Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki pinagbabaril sa Kabacan, kritikal; habang 2 babae tinamaan ng ligaw na bala, sugatan


(Kabacan, North Cotabato/ March 1, 2013) ---Kritikal ngayon ang kondisyon ng isang lalaki makaraang pagbabarilin sa National Highway, Poblacion, Kabacan partikular sa harap ng isang sangay ng bangko na RCBC alas 2:15 ngayong hapon lamang.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Zandro Bandon, nasa tamang edad at residente ng Sunrise St., ng bayang ito.

9th Founding Anniversary ng College of Health AND Sciences; Ipagdiriwang


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Ipagdiriwang ang 9th Founding Anniversary ng College of Health Sciences sa Convention Hall dito sa University of Southern Mindanao sa March 2.

Ang nasabing selebrasyon ay may temang “CHS in the wild” na dadaluhan ng 430 na mga estudyante at 26 na mga faculty ng naturang kolehiyo.

9th General Assembly ng USMECCO; isasagawa


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Gaganapin ang 9th General Assembly ng USM Employees’ Credit Cooperative (USMECCO) sa ULS convention Hall, USM, Kabacan, Cotabato bukas, Marso 1.

Ito ay dadaluhan ng 587 members ng nasabing kooperatiba.

Isa sa mga most outstanding na kawani ng LGU Kabacan; magreretiro na bukas


(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Magreretiro na sa edad na 63-anyos ang Public Employment Service Office Manager at Statistician ng Kabacan bukas.

Si Florida Sabutan ay higit 30 taon ng nagserbisyo sa pamahalaang lokal.

Cotabato Regional Athletics Association o CRAA Meet 2013; pormal ng magsisimula ngayong araw

(Amas, Kidapawan City/ February 28, 2013) ---Pormal ng bubuksan mamayang hapon ang 11th Cotabato Regional Athletics Association o CRAA Meet 2013 sa Amas, Kidapawan City.

Ayon kay CRAA 2013 games over all chairman Abrahm Asbi, bubuksan ang nasabing taunang kompetisyon sa pamamagitan ng parada habang isasagawa muna ang isang solidarity meeting ngayong umaga.

Comelec Common Poster Area for the National and Local Elections of 2013 sa bayan ng Kabacan; inilbas ng Comelec



(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Pitum pu’t apat na araw bago ang nalalapit na halalan habang 31 araw bago ang pagsisimula ng kampanya para sa mga pulitikong tatakbo para sa local na posisyon.

Nagpalabas ngayon ang Comelec Kabacan ng mga lists of location of COMELEC Common Posting areas.

Tricycab at Motorsiklo nagkarambola sa Highway ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Aksidenteng bumangga ang isang tricycab wave sa isang single motorcycle sa kahabaan ng national high way partikular sa Rizal Avenue Kabacan, Cotabato alas 6:00 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, sugatan ang driver ng tricycab na may plakang 2971 MN na pagmamay-ari ni Pipito Esterera at residente ng Purok Masagana ng bayang ito makaraang aksidenteng mabangga sa kulay itim na Bajaj na may plakang 6365 MT.

Libung halaga ng gamit at cash natangay ng mga magnanakaw sa USM Housing


(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Nilooban ang bahay ng isang guro sa USM housing, block 4 USM Compound Kabacan, Cotabato alas onse ng umaga kahapon.

Ayon sa report, tinangay ng di nakilalang salarin ang isang yunit ng laptop acer, isang yunit ng PSP, isang yunit ng Sonny Ericson Camera at iba’t- ibang klase ng mga alahas at cash na nagkakahalaga ng dalawang libong piso na pagmamay-ari ni doctor Emerly Okit, 52-anyos at Dean ng Veterinary Medicine ng USM.

16-anyos na dalagita sugatan matapos ma hit and run habang driver tinutukan ng baril sa bayan ng Carmen, Cotabato


(Carmen, North Cotabato/ February 28, 2013) ---Galos sa balikat ang tinamo ng isang dalagita makaraang ma hit and run sa Public Market ng bayan ng Carmen nitong Martes.

Kinilala ng Carmen PNP ang biktima na si Ruffa Mae Pellaba, resident eng Tawan-tawan ng nabanggit na lugar.

Tinatawid umano ng biktima ang highway ng maaksidente ito ng single DT motorcycle.

Lalaki, duguan matapos hinampas ng bote


(Carmen, North Cotabato/ February 27, 2013) --- \Kalaboso ang dalawang lalaki na pawang residente ng Brgy. Aroman, Carmen, Cotabato alas 9:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report, tinambangan ng mga suspek ang isang 39 anyos na lalake sa naturang lugar.

Dagdag pa rito hinampas ang biktima ng bote, na nagdulot nito ng pagdurugo sa kaliwang bahagi ng mukha at braso.

A walk for fire-free and fire-safe nation, isasagawa sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2013) ---Isasagawa ang “A walk for fire-free and fire-safe nation” activity sa municipal plaza, Kabacan, Cotabato ngayong darating na Marso a uno.

Ang nasabing aktibidadeskilik ngNDRITO, DXVL News.elcome gate , osias elementary school at magtatapos sa municipal plaza para sa ay pangungunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) katuwang ang DILG, Regional Office No. 12, upang ipagdiwang ang Fire Prevention Month ngayong darating na Marso.

51-anyos na magsasaka; pinagtataga, patay sa Kidapawan City


(Kidapawan City/ February 27, 2013) ---Patay ang 51 taong gulang na magsasaka makaraang pagtatagain ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Gayola, Kidapawan City alas 8:00 ng umaga kanina.

Kinilala ni Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Eric Sabayle Singco, may asawa at residente ng nasabing lugar habang kinilala naman ang suspek na si Jecar Alcosero, 24-anyos.

Lalaki, Sinaksak sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ February 26, 2013) ---Sugatan ang isang lalaki, makaraan itong saksakin sa Matalam, Cotabato alas 9:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report ng Matalam PNP, kinilala ang biktima na si Juniko Roquero, 42- anyos, may asawa at residente ng Brgy. Taguranao, Matalam, Cotabato habang kinilala naman ang suspek na si Pablito Laraman.

Ilang mga pamilyang apektado ng pagbaha sa bayan ng Kabacan, unti-unti ng nagsibalikan sa kanilang mga tahanan; mga naapektuhan ng pagbaha sumampa na sa 4 na libung pamilya


(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2013) ---Bagama’t humupa na ang mga pag-ulan na nagresulta ng pagbaha at pag-apaw ng Pulangi river at ilan pang mga ilog na nakapaligid sa bayan, umakyat na ngayon sa mahigit sa apat na libung mga pamilya ang kabuuang apektado ng pagbahay sa bayan ng Kabacan.

Panibagong nakaw motorsiklo; naitala ng Carmen PNP


(Carmen, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Ninakaw ang isang motorsiklo sa brgy. Liliongan, Carmen Cotabato, kamakalawa.

Ayon sa Carmen PNP, ninakaw umano ng di pa nakikilalang suspek ang single XRM na pagmamay-ari ni Mahaymen Salanggao, 24 yrs. Old may asawa at residente ng nabanggit na lugar. 

Tindahan sa Matalam, North Cotabato; nilooban


(Matalam, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Nilooban ng mga di pa nakikilalang suspek ang isang tindahan sa National highway partikular sa harap ng Sto. Nino De Praga Church Pob. Matalam, Cotabato sa pagitan ng ala 1:00 hanggang alas 2:00 ng medaling araw kamakalawa.

Kinilala ng Matalam PNP, ang may-ari na si Robert Sison Tabara, 54 yrs. Old at residente ng naturang bayan.

Mahigit sa P44 na halaga ng gamit, nilimas ng mga magnanakaw sa isang Boarding House sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Nilimas ng mga di pa nakikilalang salarin ang mga gamit at iba pang mahahalagang dokumento sa isang Curato Boarding House Pob. Kabacan, Cotabato sa di matukoy na oras kamakalawa.

Ayon sa Kabacan PNP, tinangay ng di pa nakikilalang suspek ang mga kagamitan nina: Jan-jan  Sanchez, Richard labindao, Dave Pagayon, parehong 17 yrs. old at si Marlon Labindao, 21, yrs. old, binata pawang estudyante ng USM at residente ng Carmen Cotabato na kasalukuyang nangungupahan sa naturang boarding house.

Motorsiklo; ninakaw sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Tinangay ng di pa nakikilalang suspek ang isang single na motorsiklo sa Villanueva Subdivision, Pob. Kabacan, Cotabato partikular sa Poblete Compound nitong Sabado sa di malamang oras.

Ayon sa Kabacan PNP, ang nasabing motorsiklo ay isang kulay itim na single XRM 125 na may plakang 4181MK.

3 katao sugatan sa nangyaring vehicular accident sa Matalam, Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Sugatan ang tatlo katao makaraang masangkot ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang vehicular accident  sa National Highway,  Poblacion, Matalam, Cotabato partikular sa harap ng Matalam Central Elementary School alas 7:15 kahapon ng umaga.

Ayon sa Matalam PNP, tinatahak ng Honda XR 200 ang kahabaan ng National Highway buhat sa Kabacan papuntang Matalam ng mawalan ng preno at aksidenteng mabangga sa kulay itim na single Honda Wave 110.

Mga kawatan muling naglipana na naman sa Kabacan, mga latops, pinupunterya


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Nilooban ang bahay ng isang guro sa may Sinamar 1, Poblacion, Kabacan kahapon ng umaga.

Ayon sa report, tinangay ng di pa nakilalang salarin ang 1 unit na laptop ni Juliet Cabucos, 35 at residente ng nabanggit na lugar.

Naki-burol umano ang biktima sa bayan ng Aleosan ng maganap ang insedente.

Lalaking biktima ng agaw-motorsiklo; binaril patay sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Dead on arrival sa Ospital ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa may National Highway, partikular sa Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:00 ng gabi nitong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Noli Mayuga, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Poblacion, Matalam, North Cotabato.

Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Kabacan Public market; muling sisilipin ngayong araw


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Sa pagpapatuloy ng monitoring ng presyo sa Merkado Publiko ng Kabacan, nanatili parin sa dating presyo nito ang mga pangunahing bilihan bagamat may kaunti paring paggalaw sa ilang mga presyo nito.

Ang Beef Meat ay nasa P180-200/ kilo at buto P190/ kilo.

2 Magkawilay na insedente ng nakawan sa Kidapawan city; inireport


(Kidapawan city/ February 25, 2013) ---Ninakawan ng mga di pa kilalang magnanakaw ang bahay ng dalawang negosyante sa Old PC Barracks, Sudapin Kidapawan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Kidapawan PNP ang isa sa may ari ng nasabing bahay na si Saanading Macabantog biyente nuebe, may asawa at resedente ng nabanggit na lugar.

Presyo ng Langis sa Kabacan; inalmahan ng mga motorista


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Inalmahan ngayon ng mga motorista ang presyo ng petrolyo sa Kabacan dahil sa mas mataas ang presyo ng langis sa Kabacan kumpara sa ilangmga kalapit lugar.

Ayon sa report, ilang beses na ring nagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong buwan.

Pero ang nirereklamo ng karamihan dito, ay ang di agad naipapatupad ang pagtapyas ng gasolina sa tuwing may roll-back.