Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 katao sugatan sa nangyaring vehicular accident sa Matalam, Cotabato


(Matalam, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Sugatan ang tatlo katao makaraang masangkot ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang vehicular accident  sa National Highway,  Poblacion, Matalam, Cotabato partikular sa harap ng Matalam Central Elementary School alas 7:15 kahapon ng umaga.

Ayon sa Matalam PNP, tinatahak ng Honda XR 200 ang kahabaan ng National Highway buhat sa Kabacan papuntang Matalam ng mawalan ng preno at aksidenteng mabangga sa kulay itim na single Honda Wave 110.

Dahil sa lakas ng impak nagresulta ito sa pagkakasugat ng dalawang driver.

Kinilala ang driver ng XR 200 na si Nonie Parcon, 32 emplyedo ng Sumifru Phils, Inc. at residente ng Kiyaab, Antipas, Cotabato.

Kinilala naman ang driver ng Honda Wave na si Rene Oren, 46 kasama ang angkas nitong nakilalang si Everest Mandavia kapwa resident eng Pres. Roxas, Cotabato.

Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa Babol Hospital para mabigyan ng medikal na atensiyon habang naka-impound naman ngayon sa Matalam PNP ang nasabing mga motorsiklo para sa imbestigasyon. (Rhoderick Beñez with reports from Pearl Landrito)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento