(Kabacan,
North Cotabato/ March 1, 2013) ---Kritikal ngayon ang kondisyon ng isang lalaki
makaraang pagbabarilin sa National Highway, Poblacion, Kabacan partikular sa
harap ng isang sangay ng bangko na RCBC alas 2:15 ngayong hapon lamang.
Kinilala
ng Kabacan PNP ang biktima na si Zandro Bandon, nasa tamang edad at residente
ng Sunrise St., ng bayang ito.
Habang
kinilala naman ang mga babaeng biktima ng ligaw na bala na sina Babai Guiandal
at Ylambai Dua kapwa residente ng Macabual, Pikit.
Batay
sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang
dibdib nito si Bandon habang dinaplisan din ng ligaw na bala ang dalawang
babae.
Mabilis
namang isinugod ang mga biktima sa Kabacan Medical Specialist.
Ililipat
naman sina Bandon at Dua sa Kidapawn dahil sa malubhang sugat nilang tinamo sa
nasabing pamamaril.
Naging
tensiyunado ang National Highway matapos ang nasabing insedente.
Ginamit
umano ng suspek sa pamamaril ang kalibre .45 na pistol, batay sa limang piraso
ng mga empty shell na narekober sa crime scene.
Nangyari
ang insedente habang maraming mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program o 4P’s ang nakapila sa ATM Machine ng RCBC na kumukuha ng Conditional
Cash Transfer o CCT.
Sa
panayam ng DXVL News sa security guard ng Palawan Pawnshop malapit sa
pinangyarihan ng insedente apat na putok ang pinakalawa umano ng suspek.
Mabilis
namang tumakas ang suspek sumakay sa isang motorsiklo na look-out papalayo
papuntang Aringay, ayon sa report ng Kabacan PNP.
Hindi
pa mabatid kung anu ang motibo ng nasabing pamamaril habang patuloy pa ang
ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.
Ito
na ang ika-anim na shooting incident na naganap sa bayan mula buwan ng Enero. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento