Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Presyo ng Langis sa Kabacan; inalmahan ng mga motorista


(Kabacan, North Cotabato/ February 25, 2013) ---Inalmahan ngayon ng mga motorista ang presyo ng petrolyo sa Kabacan dahil sa mas mataas ang presyo ng langis sa Kabacan kumpara sa ilangmga kalapit lugar.

Ayon sa report, ilang beses na ring nagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong buwan.

Pero ang nirereklamo ng karamihan dito, ay ang di agad naipapatupad ang pagtapyas ng gasolina sa tuwing may roll-back.


Sa pinakahuling monitoring ng DXVL price alert, sa Shell pumalo na ngayon sa P47.97 ang bawat litro ng diesel na tumaas ng .65 centavos.

Tumaas din ng .98 centavos ang fuel save unleaded na pumalo na sa P59.26 mula sa dati nitong presyo na P58.28, tumaas din ng kulang-kulang piso ang presyo ng V-power nitron na pumalo na sa P55.9 at sa regular naman umabot narin sa P57 mula sa dati nitong presyo na 55.50.

Ang patuloy na pagtaas ng langis sa bansa ay epekto rin ng pagtaas sa langis sa pandaigdigang pamilihan. (Domilyn Magbanua)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento