(Kidapawan
City/ February 27, 2013) ---Patay ang 51 taong gulang na magsasaka makaraang
pagtatagain ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Gayola, Kidapawan City alas 8:00 ng
umaga kanina.
Kinilala
ni Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Eric
Sabayle Singco, may asawa at residente ng nasabing lugar habang kinilala naman
ang suspek na si Jecar Alcosero, 24-anyos.
Batay
sa inisyal na report, nagalit umano si Alcosero dahil sa ayaw umanong paligawan
ni Singco ang kanyang anak sa kanya dahilan kung bakit nito pinagtataga ang
biktima.
Pasintabi sa mga
kumakain sa oras na ito. Tinaga ng suspek ang biktima gamit ang lagaraw at
humiwalay ang ulo nito.
Bukod
dito, humiwalay din ang kamay ng biktima sa katawan nito.
Agad
namang tumakas ang suspek matapos ang nasabing insedente at subject for manhunt
na ngayon ng mga otoridad ang suspek. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento