(Carmen, North Cotabato/
February 27, 2013) --- \Kalaboso ang dalawang lalaki na pawang residente ng
Brgy. Aroman, Carmen, Cotabato alas 9:00 kamakalawa ng gabi.
Ayon sa report,
tinambangan ng mga suspek ang isang 39 anyos na lalake sa naturang lugar.
Dagdag pa rito hinampas
ang biktima ng bote, na nagdulot nito ng pagdurugo sa kaliwang bahagi ng mukha
at braso.
Ang mga naturang suspek
ay lango sa alak ng gawin ang naturang insedente.
Sa ngayon, napalaya na
ng PNP Carmen ang mga suspek at napag-usapan ng dalawang panig ang mga
kundisyon para hindi na maulit ang naturang pangyayari tulad ng, babayaran ng
mga suspek ang hospital bills ng biktima. Ivy Balaba, DXVL News.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento