(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2013)
---Bagama’t humupa na ang mga pag-ulan na nagresulta ng pagbaha at pag-apaw ng
Pulangi river at ilan pang mga ilog na nakapaligid sa bayan, umakyat na ngayon
sa mahigit sa apat na libung mga pamilya ang kabuuang apektado ng pagbahay sa
bayan ng Kabacan.
Ito ang nabatid mula kay Social Welfare
Officer Susan Macalipat sa pinakahuling data na nakalap kahapon ng DXVL News.
Sinabi pa ni Macalipat na abot na rin sa 11
mga barangay ang naapektuhan ng mga pagbaha.
Tinukoy ng opisyal ang mga barangay na
matinding tinamaan ng mga pagbaha ay kinabibilangan ng Brgy. Kayaga,
Salapungan, Pedtad, Buluan, Nangaan, Magatos, Cuyapon, Simone, Simbuhay, Lower
Paatan, at Kilagasan.
Tinataya ding nasa apat na libu isang raan
walumpo’t tatlong pamilya ang apektado ng pagbaha sa mga
naturang barangay dahil sa pag apaw ng pulangi river.
Sa ngayon tumigil na sa pag apaw ang pulangi
river at may mga pamilya na ang kasalukuyang nagsisipagbalikan sa kani-kanilang
mga tahanan maliban na lang ang mga pamilya na mula sa Brgy. Cuyapon na labis
na napinsala ng naturang pagbaha.
Kaagapay ang MSWDO ng Kabacan patuloy pa
ring tinututukan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRM) ang
naturang pangyayari. (Cheremel Paguital)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento