(Kabacan,
North Cotabato/ February 27, 2013) ---Isasagawa ang “A walk for fire-free and
fire-safe nation” activity sa municipal plaza, Kabacan, Cotabato ngayong
darating na Marso a uno.
Ang
nasabing aktibidad ay pangungunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP)
katuwang ang DILG, Regional Office No. 12, upang ipagdiwang ang Fire Prevention
Month ngayong darating na Marso.
Katuwang
ang BFP at LGU-Kabacan para sa maayos at matiwasay na pagdaos ng nasabing unity
walk.
Ang
programang ito ay sinasabing bukas sa lahat na uri ng organisasyon, ahensya,
opisyales at empleyado ng nasabing bayan.
Magsisimula
ito bandang alas kwatro ng madaling araw at tatahakin ang kayaga terminal
complex, USM welcome gate , osias elementary school at magtatapos sa municipal
plaza para sa taebo/work-out exercise at simpleng programa. (Pearl Landrito)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento