Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dating Department chair ng CIT-DIT USM, pumanaw dahil sa sakit na cancer

Prof. Ruth Calimag Sabinay, Ed D.
(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 2, 2015) ---Tuluyan ng binawian ng buhay ang 49-anyos na dating Department Chair ng College of Industry and Technology-Department of Industrial Technology ng University of Southern Mindanao matapos iginupo ng kanyang sakit na colon cancer.

Ayon kay Prof. Uldarico Lavalle, research coordinator ng DIT na nakatakdang ililibing si Prof. Ruth Calimag Sabinay, Ed D. bukas (July 3, 2015) alas 7:00 ng umaga sa St. Jude Memorial Park, Kilada, Matalam, Cotabato.
Binawian ito ng buhay noong June 18, 2015 dahil sa matinding kumplikasyon.

Estado ng Renewable Energy Service Contract o RESC Exploration sa North Cotabato, nais ipabusisi ng mambabatas

(North Cotabato/ July 2, 2015) ---Nagpasa ng resolusyon si North Cotabato 2nd District Board Member Noel Baynosa sa Sangguniang Panlalawigan na alamin sa pamamagitan ng congressional inquiry kung anu na ang estado ng Renewable Energy Service Contract o RESC ng Hydro Electric Plant o HEP exploration sa Magpet, North Cotabato.

Sa nasabing panukala, hiniling ng opisyal sa mga kongresista na sina Jesus Sacdalan ng 1st District, Nancy Catamco ng 2nd District, at Ping Tejada ng 3rd District; Rep. Raymond Mendoza ng TUCP at iba pang mga kongresista na magsagawa ng Congressional inquiry sa Department of Energy.

4 patay sa dengue sa lalawigan ng North Cotabato

(North Cotabato/ July 2, 2015) ---Nasa apat katao na ang nasawi dahil sa kumplikasyon ng dengue sa North Cotabato.

Ito ayon kay Dra. Eva Rabaya, ang pinuno ng Integrated Provincial Health Office.

Napag-alaman na dalawa sa nasawi ay buhat sa bayan ng Alamada at tig-i-isa sa Aleosan at Midsayap.

Registration sa Hatawan ng DXVL FM, extended, premyo sa kompetisyon mas pinalaki!

(Kabacan, North Cotabato/ July 1, 2015) ---Mas kaabang-abang ngayon ang North Cotabato Wide Hip-hop Dance Competition for a Cause ng DXVL KOOL FM na pinamagatang “Hatawan para sa batang nangaingailangan” matapos na dinagdagan ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. ang papremyo sa nasabing aktibidad.

Sa halip na P10,000 na tatanggapin sa magiging kapyon sa nasabing kompetisyon, ngayon ay tumataginting na P15,000 ang kanilang mapapanalonan, P10,000 sa 2nd Prize, at P8,000 para sa 3rd Prize at meroong ring 2 consolation Prizes.