(North Cotabato/ July 2, 2015) ---Nagpasa ng
resolusyon si North Cotabato 2nd District Board Member Noel Baynosa sa
Sangguniang Panlalawigan na alamin sa pamamagitan ng congressional inquiry kung
anu na ang estado ng Renewable Energy Service Contract o RESC ng Hydro Electric
Plant o HEP exploration sa Magpet, North Cotabato.
Sa nasabing panukala, hiniling ng opisyal sa
mga kongresista na sina Jesus Sacdalan ng 1st District, Nancy Catamco ng 2nd
District, at Ping Tejada ng 3rd District; Rep. Raymond Mendoza ng TUCP at iba
pang mga kongresista na magsagawa ng Congressional inquiry sa Department of
Energy.
Layunin nito na malaman kung ano na ang
kasalukuyang estado ng RESC.
Ginawa ng opisyal ang hakbang dahil hanggang sa ngayon ay wala pa ring natatanggap ang Cotabato
Electric Cooperative o COTELCO ng komunikasyon galing sa DOE matapos na nag-expire
na umano ang RESC sa Cebu-based Universal Hydro Electric Technologies
Incorporated noong nakaraang Mayo.
Maliban dito, gusto ring alamin ni Baynosa
ang una ng resolusyong isinulong ng SP Cotabato para sa DOE na ikokonsidera
nila ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO na susunod na maging aplikante
ng RESC.
Ang planung pagpapatayo ng 10MW HEP Plant sa Kabacan River ay suportado ng Cotabato Provincial Government, Magpet LGU, at mga Brgy sa Pangao-an at Tagbak para sa Cotelco.
Pero ang masakit dito, naunahan ang cooperatiba ng Uni-Hydro Corporation sa pagkuha ng RESC sa DOE noong nakaraang taon dahilan para simulan
na ang konstruksyon at pagkuha ng Hydro Electric Power Plant sa Magpet, North
Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento