Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sundalong nahulihan ng illegal na droga sa Midsayap, North Cotabato; kinasuhan na!

(Midsayap, North Cotabato/ March 27, 2015) ---Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Midsayap PNP at CIDG-Cental Mindanao ang isang miembro ng Armed Forces Of the Philippine na nakabase sa Sulu, sa isinagawang drug buy bust operation sa Midsayap, North Cotabato pasado alas sais ng gabi kahapon.

Ayon sa report pumunta lamang sa bayan ng Midsayap ang suspek na si Cpl. Mirol Makbirol, 46 anyos na taga Talipao, Sulu at miembro ng 38th IB kasama ang kanyang na si Janice  Mauricio, 44, na taga Northern Kabuntalan, Maguindanao sa nasabing bayan.

P7-M pananim apektado ng El Niño

(Kidapawan city/ March 28, 2015) ---Ekta-ektaryang tanim na palay, mais, saging at kape ang napinsala dahil sa nararanasang matinding init dala ng El Niño phenomenon sa Kidapawan City, North Cotabato.

Sa ulat ni Senior Agriculturist Nesmari Espejo ng Kidapawan City Agriculture Office, aabot na sa P7 milyong halaga ng pananim mula sa 18-barangay sa nabanggit na lungsod ang apektado.

Bagitong dispatcher, nilikida

(Kidapawan City/ March 27, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa 18-anyos na dispatcher ng multicab makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Quezon Boulevard, Barangay Poblacion sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng hapon. 

Napuruhan sa ulo si Eric Abad ng Magpet, North Cotabato.

Mahigit P20M danyos ng matinding tag-tuyot sa mga sakahan sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 27, 2015) ---Umaabot na ngayon sa mahigit P20 Milyung piso ang pinsala sa mga pananim sa bayan ng Kabacan sa nagpapatuloy na dry spell na nararanasan sa lalawigan.

Batay sa datos ng Kabacan Municipal Agriculturist Office, P19M dito sa mais habang P2M naman ang sa palay.

Pag-file ng Income Tax Return o ITR, itinakda ng BIR sa Abril 15

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 27, 2015) ---Itinakda ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang deadline sa pagbabayad ng income tax return o ITR ng lahat na mga negosyante, magsasaka at mga kawani ng pamahalaan.

Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan Revenue Officer Reynaldo Lim ipinaliwanag niya na Abril a kinse ang deadline at wala na umano itong palugit.

Isang AB Psychology Batch 2007 Alumnus ng USM pasado sa BAR exam 2014

By: Christine Limos

(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 27, 2015) ---Pasado sa BAR exam 2014 ang isang AB Psychology Batch 2007 alumnus ng University of Southern Mindanao.

Sa resulta ng BAR exam 2014 na inilabas ng Korte Suprema kahapon isa sa mahigit isang libo na pumasa si Ivyrose Paz na tubong Makilala, North Cotabato at nagtapos sa USM bilang Cum Laude sa kursong AB Psychology.

Nag aral ng pagka obugasya si Paz sa Ateneo de Davao University.

Kabacan BFP, muling nagpaalala sa publiko hinggil sa sunog; grassfire naitala din sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ March 20, 2015) ---Muling nagpaalala ang Kabacan Bureau of fire Protection sa Publiko na maging maingat laban sa sunog.

Ginawa ni FSI Ibrahim Guiamalon ang pahayag matapos ang nangyaring sunog sa tatlong mga kabahayan sa Purok 5, Brgy. Katidtuan, Kabacan kamakalawa ng hapon.

Aniya, posibleng illegal connection ang dahilan kung bakit nasunog ang tatlong kabahayan sa nasabing lugar.

OWWA, magbibigay tulong sa mga OFW sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ March 20, 2015) ---Hinihikaya’t ngayon ng pamunuan ng Barangay Poblacion Kabacan ang mga balik bayan, partikular na ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na dumalo sa gagawing pagpupulong sa Brgy. Hall alas 2:00 mamayang hapon.

Ito ayon kay Poblacion Kagawad Allan Dela Peña, upang maka-organisa, makapaghalal ang grupo ng mga OFW sa Poblacion.

Mahigit 2,500 na mg mag-aaral ng USM, magtatapos ngayong taon, commencement exercises, itinakda sa April 11

By: Mark Anthony Pispis

(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 20, 2015) ---Ngayon pa lamang ay todo handa na ang academic council para sa gagawing commencement exercises sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao na nakatakda sa April 11.

Ayon kay USM VPAA Dr. Palasig U. Ampang sa panayam ng DXVL News, ang bilang ng mga estudyanteng magtatapos ay nasa mahigit dalawang libu.

Inihayag naman ng opisyal ang eskedyul ng mga Commencement Exercises sa pamantasan, sa darating na Marso a-26 ay ang University Laboratory Science, Marso a-31 ang ILS Lumayong, April 9 naman ang Commencement Exercise USM Kidapawan City Campus.

3 kabahayan, natupok ng apoy sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ March 19, 2015) ---Nasampulan ng unang sunog sa bayan ng Kabacan ang pagdiriwang ng fire Prevention Month ngayong buwan.

Ito makaraang masunog ang tatlong mga kabahayan sa Purok 5, Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 4:30 kahapon ng hapon. 

Isang kawani ng USM Admin, inireklamo ng estudyante sa hindi magandang trato nito

(Kabacan, North Cotabato/ March 19, 2015) ---Agad na inaksyunan ng tanggapan ng Vice President for Academic Affairs ang reklamo ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao hinggil umano sa isang staff ng cashier na hindi maayos ang pagtrato nito sa ilang mga estudyante.

Ayon sa di nagpakilalang estudyante sa panayam ng DXVL News, magbabayad na umano sila sa isang window sa cashier ng Admin para makapag enrol at nagtatanong sa halaga ng kanilang babayarin at sinagot sila ng di maayos ng clerk na nakatalaga doon.

Bangsamoro Freedom Day ginunita kasabay na pinagdiwang sa Founding Anniversary ng MNLF

(Kabacan, North Cotabato/ March 19, 2015) ---Kasabay ng paggunita ng ika-47 taong pagkakatatag ng Moro Islamic Liberation Front kahapon ay isinagawa din ang selebrasyon ng “Bangsamoro Freedom Day”.

Ito ayon kay MNLF Central Committee member Romeo Sema sa panayam ng DXVL News.

Naging matagumpay naman ang ginawang aktibidad ng kasapi ng MNLF kaugnay sa kanilang selebrasyon, particular na isinagawa ito sa bayan ng Carmen na dinaluhan din ng mga lokal na opisyal.

Opisyal ng Maguindanao, nilinaw ang isyu hinggil sa hinihingan ng voters ID ang mga bakwit bago makatanggap ng rasyon mula sa pamahalaan

(Datu Montawal, Maguindanao/ March 19, 2015) ---Bagama’t di pa umabot sa pamunuan ni Maguindanao Board Member Allan Montawal Paglas ang nasabing isyu, agad namang nilinaw nito na hindi ito nangyayari sa mga bakwit sa Maguinadnao.

Ginawa ng opisyal ang paglilinaw sa isang ambush interview ng DXVL News kasabay ng isinagawang culmination program ng 15th Founding Anniversary ng bayan ng Datu Montawal, Maguindanao kahapon.

Ayon kay Board Member Paglas, wala itong katotohanan, kaya nanawagan ito sa publiko na tigilan na ang pagkakalat ng nasabing isyu.

Maliban dito, sinabi din ng opisyal na umaabot na sa 70 katao ang naapektuhan ng nagpapatuloy na military Offensive laban sa pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF Maguindanao.

Samantala, hinikaya’t naman ni Datu Otto Montawal ang mamamayan ng Datu Montawal na panatilihin ang kapayapaan sa lugar.

DA 12, naglatag na ng hakbang para makapagbigay ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 19, 2015) ---Patuloy ang ginigawang pakikipag-ugnayan ng Department of Agriculture Region 12 sa mga Lokal na Pamahalaan sa buong rehiyon 12 para sa ayudang ipamimigay sa mga sakahan ng mga magsasakang matinding naapektuhan ng tagtuyot ngayong taon.

Sa panayam ng DXVL News kay Department of Agriculture 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan na dapat ay makipag-ugnayan ang mga magsasakang naapektuhan ang pananim sa matinding tagtuyot sa kanilang Municipal Agricultural Office o sa mga LGUs.

Habal-habal drayber, nilikida!

(Midsayap, North Cotabato/ March 18, 2015) ---Patay ang isang habal-habal driver matapos barilin ng di pa kilalang suspek sa brgy. Nabalawag, Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Jomari Cadungog, 37 anyos, may asawa at taga Brgy. San Isidro, Midsayap.

Preventive maintenance at switching ng breaker sa linya ng Cotelco, dahilan ng power interruption nitong nakaraang araw

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2015) ---Nagpaliwanag si COTELCO spokes person Vincent Baguio hinggil sa matagal na power interruption at power fluctuation noong nakaraang araw.

Sa panayam ng DXVL news ipinaliwanag ni Baguio na nagconduct ng preventive maintenance ang Mount Apo NGCP sub station. Aniya nagkaroon ng switching at kumuha ng kuryente sa Tacurong sub station ng NGCP.

Kabacan PNP may bagong OIC Chief of Police

(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2015) ---Pormal ng naupo bilang bagong OIC Chief of Police ng Kabacan PNP si PSInsp Ronie Batuampo Cordero sa ginanap na turn over ceremony kahapon ng umaga sa Kabacan Municipal Police station.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng opisyal na kanyang ipagpatuloy ang mga na-organisang security plans at palakasin ang force multipliers ng mga nagdaang hepe ng kapulisan sa bayan bilang suporta sa ginawang preventive measures.

CAFGU, ospital ang bagsak makaraang pagbabarilin sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North cotabato/ March 26, 2015) ---Nagpapagaling pa ngayon sa pagamutan ang isang miembro ng CAFGU matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Brgy. Tapudok, Aleosan, North Cotabato pasado alas sais kagabi.

Kinilala ni Aleosan PNP Commander Sr. Ins. Arnel Melocotones ang biktima na si Marcelino Mancera, 60- anyos na isa ring magsasaka sa lugar.

OPAG North Cotabato, tiniyak na walang pagtaas sa presyo ng bigas at ilan pang produkto bunsod ng tag-tuyot

By: Rhoderick Beñez

(Amas, Kidapawan City/ March 26, 2015) ---Tiniyak ng Office of the Provincial Agriculturist North Cotabato na walang pagtaas sa presyo ng bigas at ilan pang mga pangunahing bilihin matapos na tamaan ng matinding tagtuyot ang ilang mga sakahan sa lalawigan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato Provincial Agriculturist Engineer Eliseo Mangliwan dahil sa kabuuang cropping area sa lalawigan dalawang porsiento lamang nito ang naapektuhan.

P1.5-M klasrum naabo

NORTH COTABATO, Philippines - Aabot sa P1.5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang tatlong klasrum ng Lika Central Elementary School sa bayan ng Mlang, North Cotabato kahapon ng tanghali. 

Sa panayam ng DXvl News Radyo ng Bayan kay FSI Jahzel Tumaog ng Bureau of Fire Protection, kabilang sa mga nasunog ay ang tatlong silid-aralan at isang H.E. na gusali ng nasabing paaralan.

P2-M ari-arian nasunog

(South Cotabato/ March 26, 2015) --- Tinatayang aabot sa P2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang bodega ng Lapanday Foods Corporation na pinaglagyan ng abuno, kemikal, power spray at vacuum kahapon ng mada­ling araw. 

Sa pahayag ng bisor ng nasabing kompanya na si  Ruel Molina, kabilang sa nasunog ay ang genset unit, buong opisina habang hindi naman nadamay ang packing house ng bodega dahil sa makapal na karton.

Iba’t-ibang mga proyekto at programa, inilahad ni Cotabato Gov. Lala sa kanyang SOPA 2015

(Makilala, North Cotabato/ March 18, 2015) ---Ang taong 2014 ay nagdulot ng parehong tagumpay at kasawian sa atin sa lalawigan ng Cotabato.

Ito ang binitiwang pahayag ni Cotabato Governor Emmylou Lala Talino sa pagbubukas ng kanyang mensaha sa isinagawang State of the Province Address kahapon na isinagawa sa Municipal Gym sa bayan ng Makilala.

Iniisa-isa ng gobernadora ang kanyang mga naging programa sa taong 2014 sa harap ng Sangguniang Panlalawigan members, mga ilang opisyal ng lalawigan, iba’t-ibang sektors at sa harap ng bawat Cotabateños.

Seaman napagtripang itumba

By: Rhoderick Beñez

(Pikit, North Cotabato/ March 26, 2015) ---Napagtripang patayin ang 37-anyos seaman matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Nilapaan, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi. 

Sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktimang si Christopher Abuan nang mapagtripang harangin at ratratin ng mga di-kilalang kalalakihan.

Maglola nilamon ng apoy

(March 25, 2015, SOUTH COTABATO, Philippines) – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng maglola matapos itong makulong sa nasusunog nilang bahay sa bayan ng T’boli, South Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ni T’boli Fire Marshall Senior Fire Officer 4 Winnie Fundar, ang mga biktima na sina Lilia Benales, 80; at Jessie Arancillo, 22.

Samantala, nakaligtas naman sa sunog ang nobya ni Jessie na si Ruth Rebalde matapos umano nitong maitulak palabas ng bahay na nilalamon ng apoy.

COTELCO magbibigay ng scholarship sa mga anak ng konsumidores na bagong nagtapos sa sekondarya

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 26, 2015) ---Magbibigay ng scholarship ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa mga anak ng konsumidores na bagong nagtapos sa sekondarya.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Vincent Baguio tagapagsalita ng COTELCO na bukas sa lahat ng anak ng indigenous na miyembro ng kooperatiba.