By:
Mark Anthony Pispis
(USM, Kabacan, North Cotabato/ March
20, 2015) ---Ngayon pa lamang ay todo handa na ang academic council para sa
gagawing commencement exercises sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao na
nakatakda sa April 11.
Ayon kay USM VPAA Dr. Palasig U.
Ampang sa panayam ng DXVL News, ang bilang ng mga estudyanteng magtatapos ay
nasa mahigit dalawang libu.
Inihayag naman ng opisyal ang
eskedyul ng mga Commencement Exercises sa pamantasan, sa darating na Marso a-26
ay ang University Laboratory Science, Marso a-31 ang ILS Lumayong, April 9
naman ang Commencement Exercise USM Kidapawan City Campus.
Samantala nakatakda naman sa April 8-9
ang General Practice ng lahat ng mga
magtatapos sa USM Main Campus kasama ang mga estudyante ng Graduate School sa
likod DD Clemente.
Samantala gaganapin naman sa April 10
ang Clustered Baccalaureate ng
Graduation ng USM Main Campus. Ang Clustered Baccalaureate ay meroong 3
Cluster. Ang Cluster 1 na binubuo ng CED, CAS, CHS, Imeas na gaganapin sa Usm
Gymnassium na magsisimula sa ganap alas 5:00 ng umaga, ang Cluster 2 na binubuo
ng Graduate School, CVM, CENCOM, CHEFS, CIT na gaganapin naman sa likuran ng DD
Clemente Hall alas 5:00 din umaga, at
ang Cluster 3 na binubuo naman ng CBDEM at CA na gaganapin sa USM Gymnassium na
magsisimula naman sa ganap na ala 1:00 ng hapun.
Samanta nakaeskedyul naman sa April
11 ang General Commencement Exercices na kung saan ay dadaluhan ng lahat ng mga
magsisipagtapos sa USM Main Campus na gaganapin naman sa likod ng ng DD
Clemente Hall na magsisimula sa ganap na 4:30 ng umaga.
Binigyang diin ng opisyal na ginawang
maaga ang mga nasabing aktibidad para na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral at
mga magulang na dadalo upang saksihan ang pagtatapos ng kanilang mga
pinakamamahal na mga anak upang hindi ito mainitan.
Napagkasunduan din umano ng lahat ng
College deans na sa gagawing Academic Council Meeting sa bawat kolehiyo at pati
narin sa University Academic Council ay kailangan ang presensiya ng mga faculty
mula Assistant Professor 1 hangang sa University Professor, dahil kung hindi
umano makakadalo ang mga ito ay hindi isasali ang pangalan ng mga estudyante
nila sa listahan ng magsisipagtapos.
Binigyang diin din ng opisyal pati
rin sa Bacaluriat at kailangan din umano ang presensiya ng mga ito dahil
obligasyon umano nila ito sa mga estudyante at lalong lalo na sa pamantasan.
Magiging Guest Speaker umano sa nasabing General Commencement PProgram si
Mindanao Development Authority Hon. Sec. Luwalhati Antonino.
Nakalatag narin umano ang mga
security plans sa nasabing aktibidad.
Muli namang nagpaalala si ampang sa
lahat ng mga estudyanteng magsisipagtapos na asikasohin na ng mga ito ang mga
kinakailangangang papeles upang masali ang kanilang mga pangalan sa mga
graduating candidates sa gaganaping Academic Council Meeting sa bawat kolehiyo sa
darating na March 23 at nang maindorso ito sa Board of Regends sa gaganaping
University Academic Council Meeting sa darating na March 25, 2015 at pati narin
sa mga guro ng pamantasan na tulungan ang mga estudyante.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento