Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OPAG North Cotabato, tiniyak na walang pagtaas sa presyo ng bigas at ilan pang produkto bunsod ng tag-tuyot

By: Rhoderick BeƱez

(Amas, Kidapawan City/ March 26, 2015) ---Tiniyak ng Office of the Provincial Agriculturist North Cotabato na walang pagtaas sa presyo ng bigas at ilan pang mga pangunahing bilihin matapos na tamaan ng matinding tagtuyot ang ilang mga sakahan sa lalawigan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato Provincial Agriculturist Engineer Eliseo Mangliwan dahil sa kabuuang cropping area sa lalawigan dalawang porsiento lamang nito ang naapektuhan.

Ibig sabihin nito, hindi masyadong significant ang bilang ng mga nasirang pananim kaya walang nakaambang shortage o pagmahal sa bigas at iba pang produkto, wika pa ni Mangliwan.

Kaugnay nito nasa humigit kumulang sa P68M na halaga ng pananim ang nasira dulot ng matinding tagtuyot sa probinsiya kungsaan karamihan sa mga nasirang pananim ay ang palay, mais, saging at iba pa.

Kabilang naman sa mga bayan na matinding tinamaan ng tagtuyot ay ang Alamada, Banisilan, Mlang, Pigcawayan, Antipas, Kidapawan at Matalam.

Hindi naman masyadong naapektuhan ang Kabacan, ito dahil nakapag-ani ang ilang mga magsasaka bago itong matinding tag tuyot.

Dahil nito, iminungkahi ng opisyal sa Kagawaran ng Pagsasaka at Kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza na tulungan ang mga magsasakang matinding tinamaan ng El NiƱo.


Apila ni Mangliwan sa mga magsasaka na magpalista na sa pinakamalapit na Municipal Agriculturist Office para maberipika at mabigyan ng tulong rehabilitasyon para sa susunod na taniman.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento