(Kabacan, North Cotabato/ March 20,
2015) ---Muling nagpaalala ang Kabacan Bureau of fire Protection sa Publiko na
maging maingat laban sa sunog.
Ginawa ni FSI Ibrahim Guiamalon ang
pahayag matapos ang nangyaring sunog sa tatlong mga kabahayan sa Purok 5, Brgy.
Katidtuan, Kabacan kamakalawa ng hapon.
Aniya, posibleng illegal connection
ang dahilan kung bakit nasunog ang tatlong kabahayan sa nasabing lugar.
Maliban ditto, problema din ng BFP
Kabacan ang pagresponde sa erya dahil sa mga nakaabalang mga motorista.
Sinabi ni Guiamalon na kahit naka
busina na sila at naka sirina na ang mga ito ay ayaw pa ring magbigay daan ang
mga motorista sa daanan ng firetruck dahilan kung bakit mabagal ang pagresponde
ng mga ito.
Bukod sa nasabing sunog may naitala
ring grassfire sa bahagi ng Kayaga at sa bayan ng Carmen ang Kabacan Bureau of
fire. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento