Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Maglola nilamon ng apoy

(March 25, 2015, SOUTH COTABATO, Philippines) – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng maglola matapos itong makulong sa nasusunog nilang bahay sa bayan ng T’boli, South Cotabato kahapon ng hapon.

Kinilala ni T’boli Fire Marshall Senior Fire Officer 4 Winnie Fundar, ang mga biktima na sina Lilia Benales, 80; at Jessie Arancillo, 22.

Samantala, nakaligtas naman sa sunog ang nobya ni Jessie na si Ruth Rebalde matapos umano nitong maitulak palabas ng bahay na nilalamon ng apoy.


Si Rebalde ay nagtamo rin ng 1st degree burn sa mga kamay at braso.

Ayon kay Fundar,  sinubukan pa ni Jessie na sagipin mula sa nasusunog nilang bahay ang lola nitong si Lilia na natutulog sa kuwarto subalit sa kasamaang palad, ‘di-na nakalabas ang mag-lola.

Nadamay din sa sunog ang dalawang tindahan ng pamilya Benales na kargado ng grocery items at feeds na kanilang pinarerentahan.

Batay sa imbestigasyon, aabot sa P.5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

Ayon kay Fundar, bago naganap ang sunog ilang residente ang nakakita sa ilang bata na naglalaro ng kandila malapit sa bahay ng maglola. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento