Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DA 12, naglatag na ng hakbang para makapagbigay ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 19, 2015) ---Patuloy ang ginigawang pakikipag-ugnayan ng Department of Agriculture Region 12 sa mga Lokal na Pamahalaan sa buong rehiyon 12 para sa ayudang ipamimigay sa mga sakahan ng mga magsasakang matinding naapektuhan ng tagtuyot ngayong taon.

Sa panayam ng DXVL News kay Department of Agriculture 12 Regional Executive Director Amalia Jayag Datukan na dapat ay makipag-ugnayan ang mga magsasakang naapektuhan ang pananim sa matinding tagtuyot sa kanilang Municipal Agricultural Office o sa mga LGUs.


Ito upang mabigyan ang lahat ng mga magsasakang nangangailangan ng tulong.

Aniya basi sa kanilang pakikipag-ugnayan sa PAG-ASA nabatid na noon pang buwan ng Pebrero huling nakaranas ng pag-ulan sa Rehiyon.

Umaasa naman ang opisyal na uulanin ang rehiyon sa pangalawang lingo ng buwan ng Abril, batay naman sa pagtaya ng PAGASA.

Dagdag pa ng Director na patuloy umano ang kanilang ginagawang monitoring sa sitwasyon ng pananim sa Rehiyon sa tulong ng LGUs.

Sa North Cotabato, ang bayan pa lamang ng Alamada at Banisilan ang nakapag-sumite ng kanilang datos sa mga danyos ng tagtuyot sa lugar.

Bagama’t hindi nabanggit ng opisyal ang kabuuang bilang ng ektaryang naapektuhan ay isinaad naman nito na ang mga tanim na ito ay ang mga pananim ay mga plantation crops kagaya ng mais at saging.

Dagdag pa ng opisyal na 90% umano ng pananim na palay sa lalawigan ang naani na simula ng pumasok ang tag-tuyot at hindi gaanong kalakihan ang naitalang pinsala mula rito.

Nagbigay naman ng payo ang opisyal sa mga magsasaka ngayong nararanasan ang drought season.

Una ay iwasang magtanim, kung may naitanim man ay isalba kung meroon pang pwedeng masalba habang pwede pang mapakinabangan ang mga ito.

Mag tanim ng Alternative crops, makipag ugnayan sa Agriculture Extension Workers sa kanilang mga lugar at sa opisina sa Municipal Agriculture upang mabigyan ng tulong.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento