Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P2-M ari-arian nasunog

(South Cotabato/ March 26, 2015) --- Tinatayang aabot sa P2 milyon halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang bodega ng Lapanday Foods Corporation na pinaglagyan ng abuno, kemikal, power spray at vacuum kahapon ng mada­ling araw. 

Sa pahayag ng bisor ng nasabing kompanya na si  Ruel Molina, kabilang sa nasunog ay ang genset unit, buong opisina habang hindi naman nadamay ang packing house ng bodega dahil sa makapal na karton.
Iniimbestigahan naman ng pulisya ang pagkawala ng guwardiya na si Sainudin Nilong na nagbabantay sa planta.

Binaklas na ang ilang kagamitan ng Lapanday Foods Corporation sa Koronadal City, Polomolok, South Cotabato kung saan pansamantalang itinigil ang operas­yon dahil sa nasunog na bodega. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento