By: Christine Limos
(Kabacan, North Cotabato/ March 27,
2015) ---Itinakda ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang deadline sa
pagbabayad ng income tax return o ITR ng lahat na mga negosyante, magsasaka at mga
kawani ng pamahalaan.
Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan
Revenue Officer Reynaldo Lim ipinaliwanag niya na Abril a kinse ang deadline at
wala na umano itong palugit.
Ngunit ipinaliwanag ni Lim na
magbubukas ang tanggapan ng BIR at Land Bank ng dalawang Sabado, Marso 28 at
Abril 11 upang maserbisyuhan ang mga nagbabayad ng ITR.
Ipinaliwanag din ng kawani ang
proseso ng pagbabayad ng ITR.
Ang multa umano ay pagkatapos ng
Abril a kinse. Tatlong klase umano ang multa ang surcharge na dalawampung
porsyento, interest at compromise.
Samantala, nanawagan din si Lim sa
mga tax payer na mas maaga mag-file ng ITR dahil walang extension at hanggang
alas singko lang ng hapon bukas ang opisina sa Abril a kinse. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento