Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit P20M danyos ng matinding tag-tuyot sa mga sakahan sa Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 27, 2015) ---Umaabot na ngayon sa mahigit P20 Milyung piso ang pinsala sa mga pananim sa bayan ng Kabacan sa nagpapatuloy na dry spell na nararanasan sa lalawigan.

Batay sa datos ng Kabacan Municipal Agriculturist Office, P19M dito sa mais habang P2M naman ang sa palay.


Ang datos ay isinumite ng MAO sa Sangguniang Bayan pero inisyal pa lamang ito dahil nagpapatuloy pa ang ginagawang beripikasyon ng lokal na kagawaran ng Agrikultura sa mga barangay.

Kaugnay nito, agad namang ipinanukala ni SB Committee on Agriculture Chair Councilor Jonathan Tabara ang pagpasa ng resolusyon na matulungan ang mga apektadong magsasaka sa bayan matapos na ipinatawag nito ang MAO at National Irrigation Administration Kabacan River Irrigation System sa session na Sangguniang Bayan kahapon.

Dahil dito, tiniyak ni NIA KABRIS Acting Chief Officer Engr. Nerisa Matullano na mabibigyan nila ng kaukulang serbisyo ng patubig ang sakop ng kanilang Irrigation System upang makapagsagawa ng dalawang anihan ang mga magsasaka sa isang taon.

Agad namang nagpaabot ng pasalamat si Matullano sa mga lokal na mambabatas dahil sa suportang ibinigay ng mga ito.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento