(Datu
Montawal, Maguindanao/ March 19, 2015) ---Bagama’t di pa umabot sa pamunuan ni Maguindanao
Board Member Allan Montawal Paglas ang nasabing isyu, agad namang nilinaw nito
na hindi ito nangyayari sa mga bakwit sa Maguinadnao.
Ginawa ng
opisyal ang paglilinaw sa isang ambush interview ng DXVL News kasabay ng
isinagawang culmination program ng 15th Founding Anniversary ng
bayan ng Datu Montawal, Maguindanao kahapon.
Ayon kay
Board Member Paglas, wala itong katotohanan, kaya nanawagan ito sa publiko na
tigilan na ang pagkakalat ng nasabing isyu.
Maliban dito,
sinabi din ng opisyal na umaabot na sa 70 katao ang naapektuhan ng nagpapatuloy
na military Offensive laban sa pangkat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o
BIFF Maguindanao.
Samantala,
hinikaya’t naman ni Datu Otto Montawal ang mamamayan ng Datu Montawal na
panatilihin ang kapayapaan sa lugar.
Suportado
naman ni PInsp. Razul Pandulo hepe ng Datu Montawal PNP ang nasbaing
adbokasiya. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento