Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang AB Psychology Batch 2007 Alumnus ng USM pasado sa BAR exam 2014

By: Christine Limos

(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 27, 2015) ---Pasado sa BAR exam 2014 ang isang AB Psychology Batch 2007 alumnus ng University of Southern Mindanao.

Sa resulta ng BAR exam 2014 na inilabas ng Korte Suprema kahapon isa sa mahigit isang libo na pumasa si Ivyrose Paz na tubong Makilala, North Cotabato at nagtapos sa USM bilang Cum Laude sa kursong AB Psychology.

Nag aral ng pagka obugasya si Paz sa Ateneo de Davao University.


Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Paz na masaya siya at abot-abot ang kanyang tuwa ng malamang pumasa siya sa BAR exam at isa na siyang ganap na abogado.

Malaki rin umano ang naitulong ng University of Southern Mindanao sa kanyang preparasyon sa pag aaral ng abugasya. Dagdag pa niya na pangarap talaga niya na maging isang abugado.

Nagbigay din ng payo si Paz sa mga estudyante na nais mag aral ng abugasya na kailangan may tiyaga sa pag aaral at dapat na gusto talaga ang kurso na kinukuha at hindi napipilitan lang.


Isinalaysay din ni Paz ang hirap na pinagdaanan nito habang nag aaral ng abugasya.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento