(Kabacan, North Cotabato/ March 19,
2015) ---Kasabay ng paggunita ng ika-47 taong pagkakatatag ng Moro Islamic Liberation
Front kahapon ay isinagawa din ang selebrasyon ng “Bangsamoro Freedom Day”.
Ito ayon kay MNLF Central Committee
member Romeo Sema sa panayam ng DXVL News.
Naging matagumpay naman ang ginawang
aktibidad ng kasapi ng MNLF kaugnay sa kanilang selebrasyon, particular na
isinagawa ito sa bayan ng Carmen na dinaluhan din ng mga lokal na opisyal.
Anya kasabay din nila sa pagdiriwang
ang mga MNLF Committee ng Sulu, Tawi-tawi, Basilan, Zamboanga Peninsula,
Saranggani, Lanao, Davao, Maguindanao, North Cotabato.
Nagsimula ang nasabing aktibidad sa
isang maikling programa sa Brgy. Kilada ng Bayan ng Matalam na kung saan ay
naging panauhin si MNLF Central Committee Chairman of the Muslimin Sema kasama
at ang ibang miyembro ng MNLF Central Committee at pagkatapos ay tumungo sa
bayan ng Carmen na kung saan ay nakasentro ang kanilang selebrasyon.
Dagdag pa ng opisyal na ang MNLF ay
naitatag at nabuo sa kasagsagan ng 1970’s nang makaisa ang bangsamoro.
Laking pasasalamat naman ng opisyal
sa mga LGU’s na naging daan na naging matagumpay ang kanilang selebrasyon
lalaong lalo na sa 602nd brigade. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento