Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

50 mga kababaihan sa Kabacan, sumailalim sa Fish Processing Training

(Kabacan, North Cotabato/ November 10, 2013) ---Sumailalim ang 50 mga kababaihan ng Kabacan sa Fish Processing Training na isinasagawa sa Plang Village, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.
Ayon kay Agricultural Technologist at Fisheries Coordinator Lorna Mapanao tatlong araw ang nasabing training na nagsimula nitong Nobyembre a-6 hanggang Nobyembre a-8 ng kasalukuyang taon.

Motorcycle theft sa Kabacan, bumaba sa huling quarter ng taon

(Kabacan, North Cotabato/ November 8, 2013) ---Bagama’t pumapangalawa ang bayan ng Kabacan sa may pinakamataas na kaso ng nakawan ng motorsiklo sa North Cotabato, malaki naman ang ibinaba ng bilang na ito sa kasalukuyan.

Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP nasa Limampung porsientong bumaba ang motorcycle theft sa Kabacan habang papatapos ang huling quarter ng taon.

BREAKING NEWS: Pamilihang Bayan ng Pikit, North Cotabato; nasunog!

(Pikit, North Cotabato/ November 8, 2013) ---Nilamon ng apoy ang ilang mga establisiemento sa nangyaring sunog sa pamilihang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 8:00 ngayong gabi.

Batay sa report ni DXVL News Correspondent Nhor Gayak nagsimula umano ang apoy sa isang bakery kungsaan nadamay ang ilang mga tindahan ng damit.

Nabatid na karamihan pa kasi sa mga tindahan ay gawa sa light materials kung kaya’t mabilis ang pagkalat ng apoy at nasunog ang maraming mga paninda.

Kabacan Chamber of Commerce, di kontrolado ang mataas na bentahan ng gasolina sa Kabacan

(Kabacan, North cotabato/ November 8, 2013) ---Kung si Kabacan Chamber of Commerce Hector Simplicio ang tatanungin, di nila saklaw ang galaw ng presyuhan ng gasolina sa Kabacan.

Ito ang naging reaksiyon nito makaraang ilan sa mga motorista sa Kabacan ay umaangal na rin dahil sa mas mahal ang presyo ng gasolina sa Kabacan kung ihahambing sa mga kalapit na bayan.
Naniniwala ang opisyal na may basehan naman ang mga kumpanya ng langis sa bayan sa kanilang pagtatakda ng presyo ng kanilang gasolina.

Kabacan Chamber of Commerce, di kontrolado ang mataas na bentahan ng gasolina sa Kabacan

(Kabacan, North cotabato/ November 8, 2013) ---Kung si Kabacan Chamber of Commerce Hector Simplicio ang tatanungin, di nila saklaw ang galaw ng presyuhan ng gasolina sa Kabacan.

Ito ang naging reaksiyon nito makaraang ilan sa mga motorista sa Kabacan ay umaangal na rin dahil sa mas mahal ang presyo ng gasolina sa Kabacan kung ihahambing sa mga kalapit na bayan.
Naniniwala ang opisyal na may basehan naman ang mga kumpanya ng langis sa bayan sa kanilang pagtatakda ng presyo ng kanilang gasolina.

Paaralang pagdadausan ng Special Election sa Pikit, North Cotabato; sinunog!

(Pikit, North Cotabato/ November 8, 2013) ---Sinunog ng mga di pa nakilalang mga suspek ang gusali ng paaralan sa Barangay Bagoinged sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 2:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon kay PCInsp. Joefrrey Todeno, hepe ng Pikit PNP isa ang ang nasabing eskwelahan sa mga pagdadausan ngayong araw ng special election sa nasabing bayan.

MDRRMC Kabacan, naka-alerto na sa pagpasok ng “Bagyong Yolanda”

(Kabacan, North Cotabato/ November 8, 2013) ---Nakahanda na ang Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Council kasama na ang Kabacan Quick Response Team sakaling may mga di inaasahang pangyayaring tatama sa bayan ng Kabacan.

Ito ang ginawang pahayag ni MDRRMC Officer David Don Saure sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pag-alerto nito sa mga residente sa mga mabababang lugar ng Kabacan, partikular na dito ang residenteng malapit ang tahanan sa Kabacan river kagaya ng sa Plang Village at iba pa.

KBP Kidapawan City Chapter, binuo

(Kidapawan City/ November 7, 2013) ---Nagdaos ng kauna-unahang organizational meeting ang local chapter ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas kaninang umaga sa Kidapawan City.

Kasabay ng pagpupulong na ito ang paghalal ng mga opisyales na siyang magtataguyod sa organisasyon dito sa lalawigan ng North Cotabato.

Ipu-ipo nanalasa sa bayan ng Pikit; Mag-ina patay; 1 sugatan mga kabahayan napinsala

(Pikit, North Cotabato/ November 7, 2013) ---Patay ang mag-ina habang sugatan naman ang isa pang kasama nito makaraang manalasa ang malakas na Ipu-ipo sa Barangay Pamalian sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 5:30 kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay Pikit Municipal Disaster Risk Reduction Officer Tahira Kalantongan ang mga biktima na si Bing Guiamelon Ocuman habang kinilala naman ang anak nitong si Datu Puti, isang taong gulang.

ARMM, nagdiriwang ng 24th Anniversary

(ARMM/ November 7, 2013) ---Pormal ng nagsimula ngayonga raw ang isang buwang selebrasyon ng 24th Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM anniversary na nabuo sa pamamagitan ng isinagawang plebisito noong taong 1989.

Binuksan ang pagdiriwang sa sa pamamagitan ng float parade na magsisimula sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao papunta ng ORG compound dito sa Cotabato city.

Budol-budol Gang, muli na namang tumira sa Kidapawan City, P20K, natangay

(Kidapawan City/ November 7, 2013) ---Muli na namang tumira ang mga masasamang loob partikular na ang mga budol-budol gang sa Kidaapwan City matapos na tangayin ng mga ito ang abot sa 20 libong pisong cash mula sa estudyanteng biktima, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Juzelle Valido, residente  ng Nursery Phase I, Kidapawan City.

Police Box Operation sa Kidapawan City, balik normal na!

(Kidapawan city/ November 7, 2013) ---Balik-normal na ang operasyon ng mga police box na nasa sentrong bahagi ng Kidapawan City.

Ito ang ipinahayag ni Kidapawan City Police Director Leo Ajero matapos dumating ang 80 PNP personnel na ipinadala sa ARMM noong October 28 Barangay elections.

Comelec Kabacan, nagpaliwanag hinggil sa proseso ng pag-release ng honorarium ng mga BETs sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 7, 2013) ---Iginiit ngayon ni Kabacan Election Officer Gideon Falcis na first come First Serve Basis ang ginagawa nila sa pag-release ng mga Honorarium ng mga gurong nagsilbing Board of Election Tellers nitong nakaraang halalang pambarangay.

Ito ang naging paliwanag ng opisyal matapos na may ilang mga gurong nagreklamo sa diumanoy kawalan ng istratehiya sa pag-release ng kanilang mga Honorarium.

Eskwelahan sa Midsayap, North Cotabato tumanggap ng computer mula sa isang US- based foundation

(Midsayap, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Isang laptop computer ang ibinigay ng Joy and Care-Giving Foundation para sa mga kabataan ng Lt. Andres Calungsod Elementary School o LACES sa Midsayap, North Cotabato.

Pormal itong ipinamahagi sa Supreme Pupil Government ng nasabing eskwelahan ngayong araw sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya na ginanap sa Congressional District Office.

P100, 000, inilabas ni Gov. Mendoza sa makapagturo sa suspek na pumatay sa brgy. chairman sa Mlang

(M’lang, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Nagpalabas ngayon ng reward money si Cotabato Governor Lala Mendoza sa sinumang makapagturo ng suspek na pumatay sa Kapitan ng Barangay Libo-o, Mlang.

Sinabi ng gobernador na P100,000 ang inilaan nitong reward money para sa anumang impormasyon ikadarakip ng mga responsable sa pagbaril kay Kapitan Eduardo Panes.

OWWA-12 may inihanda ng programa para sa mga OFW na maapektuhan ng Saudization

(Koronadal City/ November 6, 2013) ---May mga programa nang inihanda ang Overseas Workers' Welfare Administration o OWWA-12 para sa mga OFW mula sa Saudi na inaasahang uuwing walang trabaho.

Ayon kay Overseas Workers' Welfare Administration o OWWA-12 OIC Regional Dir. Marilou Sumalinog, sa ngayon ay wala pa namang dumudulog sa kanilang tanggapan para humingi ng tulong.

OFW na nagkasakit sa abroad, tinulungan ng gobyerno na maka-uwi ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Naka-uwi na ang isang Overseas Filipino Worker na tubong Kapayapaan, Poblacion, Kabacan makaraang tinulungan ng LGU Kabacan sa pamamagitan ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Secretary to the Mayor Yvonne Saliling dalawang buwan umanong namalagi sa Makati Medical Center si Solaya Dapagan matapos tamaan ng sakit sa iabayong dagat ng halos dalawang taon at kinanlong ng mga kasamang OFW sa Abu Dhabi. 

Sa kasalukuyan ay na-comatose ang biktima at patuloy na binibigyan ng medikal na atensiyon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan.

Kaso ng Dengue sa Kabacan, bumaba!

(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Malaki ang ibinaba ng kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan nitong nakaraang buwan.

Ito ang nabatid sa datos na inilabas ni Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.

Sinabi ni Cabellon na tatlong dengue cases lamang ang kanilang naitala sa buong buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Special election sa Pikit, North Cotabato; tuloy na sa Nobyembre 8

(Pikit, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Handa na ang kapulisan at military na magbabantay sa isasagawang special election sa bayan ng Pikit, North Cotabato bukas.

Mismo si Cotabato Provincial Election Supervisor Doque Kadatuan ang nagpahayag na nasa kamay na nila ang approval ng Commission on Election (Comelec) enbanc para sa mga barangay na may failure of election noong Oktubre 28.

Arson, isasampa laban sa mga responsable sa panununog ng Day care center sa Maguindanao

(Maguindanao/ November 6, 2013) ---Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa panununog ng mga taga-suporta ng natalong barangay chairman sa Day Care School sa bayan ng Montawal, Maguindanao noong Lunes ng gabi.


Ayon kay Army’s 602nd Infantry Brigade spokesman Captain Antonio Bulao natukoy naman ang mga nanunog na mga supporter ni Maotan Dalimbang Kasim, natalong kandidatong chairman sa Barangay Nabundas sa ginanap na eleksyong pambarangay noong Oktubre 28.

2 naarestong NPA, nahaharap sa patong-patong na kaso

(Koronadal City/ November 5, 2013) ---Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ito ang kinumpirma ni P/Supt. Jemuel Siason ng T'boli PNP ng lalawigan ng South Cotabato PNP matapos maaresto ang mga suspek na kinilalang sina Alexander Puerotgalera mula sa bayan ng Tulunan, North Cotabato at Ariel Ariano ng Brgy. San Isidro ng Koronadal City.

Nov. 6, simula nang klase sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2013) ---Pormal ng magsisimula bukas (November 6) ang pasukan sa second semester ng School year 2013-2014 ng University of Southern Mindanao.

Ito batay sa inilabas na memo ng Office of the Vice President for Academic Affairs number 352, series of 2013.

Kampanya kontra illegal na droga, pinaiigting ng Mlang PNP

(M’lang, North Cotabato/ November 5, 2013) ---Patuloy ang paglaban ngayon ng Mlang PNP katuwang ang Pamahalaang bayan para tuluyang masugpo ang paggamit at pagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Mlang.

Ito makaraang maaresto sa pinakahuling buybust operation ng PNP ang isang 44-anyos na lalaki sa Purok 2, Barangay Lika, M’lang North Cotabato, kamakalawa.

Industriya ng Niyog sa North Cotabato, patuloy na pinalalakas

(November 5, 2013/ November 5, 2013) Malaki ang naitutulong ng Small Coconut Farmers Organization o SCFOs sa pag unlad ng industriya ng niyog sa North Cotabato.

Ito ang sinabi ni Philippine Coconut Authority Officer Fatima Bansuan sa isang pagpupulong kamakailan sa probinsiya.

Tree Planting, isasagawa kasabay ng pagtatapos ng Youth Peace Camp sa North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ November 5, 2013) ---Sa pamamagitan ng Tree Planting ay magtatapos na bukas ang anim na araw na Youth Peace Camp na isinagawa sa lalawiagan ng North Cotabato.

Ayon kay Angelo Herrera, isa sa mga lider ng core group, layon ng Youth Peace Camp na magsama-sama sa adhikain ng kayapaan ang iba’t ibang mga lider ng mga lumad, Muslim, at Kristiyano, mula sa North Cotabato, Maguindanao, Bukidnon, Nueva Ecija, at Metro Manila.

‘Mamuhay ng tahimik at walang gulo’ –MILF spokesperson sa pagdiriwangng Amon Jadid

(Kabacan, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Kahit hindi mga muslim dapat umanong mamuhay ng tahimik at walang gulo.

Ito ang inihayag na mensahe ni MILF spokesperson Von Alhaq sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Amon Jadid.

Pagtatakda ng special election sa Pikit, North Cotabato; wala pang resolution

(Pikit, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Hanggang ngayon ay wala pang natatanggap na resolution ang pamunuan ni Cotabato Provincial election Supervisor Atty. Duque Kadatuan sa pagtatakda ng special election sa bayan ng Pikit.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Atty. Kadatuan bagama’t una ng iminungkahi nila ang Nobyembre a-8.

Truck vs tricycle; bata dedo

(Kidapawan City/ November 4, 2013) ---Humabol sa araw ng mga patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos binawian ng buhay ng masangkot sa aksidente sa daan sa Kidapawan City noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Joven Igcalinos residente ng nabanggit na lugar na kungsaan binawian nan g buhay matapos mabangga ng pick-truck ang sinasakyan nitong tricycle sa Quezon, Boulevard ng nasabing lungsod.

Brgy. Chairman sa Mlang, North Cotabato; patay sa pamamaril

(M’lang, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Patay ang barangay Chairman ng Brgy. Libo-o, Mlang, North Cotabato matapos pagbabarilin ng riding in tandem assassin sa National Highway ng Purok Mabinoligon, Brgy. Bagon tapay, Mlang, North Cotabato alas 2:50 nitong Sabado.

Kinilala ni PSI Rolando Dillera, hepe ng Mlang PNP ang biktima na si Eduardo Panes, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

Kawani ng LGU Makilala, sugatan sa pamamaril

(Makilala, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Sugatan ang empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Makilala makaraang barilin sa loob ng Pamilihang bayan ng Makilala, alas 10:20 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Abundio Lora Rosales, 26-anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.

“Agaw Armas’ nakikitang dahilan sa pagbaril patay sa Newly elected barangay Kagawad sa Kidapawan; 1 pa sugatan

(Kidapawan City/ November 4, 2013) ---Hindi pa man pormal na nakakaupo bilang konsehal ng barangay Malinan sa Kidapawan City ang bagong halal na kagawad ay pinabulagta na ito ng di pa nakilalang suspek noong Sabado.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, Kidapawan City Police Director ang biktima na si Ronaldo Macrohom, dating kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary (CAA) at nahalal bilang barangay kagawad ng Barangay Malinan sa katatapos na Barangay election.

Amon Jadid, ipinagdiriwang ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Ipinagdiriwang ngayong araw ang Amon Jadid o New Year sa Hijrah Calendar.

Ang deklarasyon ay batay sa memorandum na inilabas ng National Commission on Muslim Filipinos sa Cotabato City, alinsunod sa Presidential Decree 1083.

Kabilang sa mga lugar na saklaw ng pag-obserba sa Muslim holiday ang mga sumusunod: Basilan, Lanao del Norte, Lanao del Sur,

Sultan Kudarat, niyanig ng 6.0 Magnitude na lindol ngayong gabi lamang

(Sultan Kudarat/ November 3, 2013) ---Niyanig ng 6.0 magnitude na lindol ang probinsya ng Sultan Kudarat alas-7:04 ngayong gabi lamang.

Sa inilabas na report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng pagyanig sa lalim na 556 kilometro at nasa 195 kilometro sa bayan ng Palimbang lalawigan ng Sultan Kudarat.