Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

OWWA-12 may inihanda ng programa para sa mga OFW na maapektuhan ng Saudization

(Koronadal City/ November 6, 2013) ---May mga programa nang inihanda ang Overseas Workers' Welfare Administration o OWWA-12 para sa mga OFW mula sa Saudi na inaasahang uuwing walang trabaho.

Ayon kay Overseas Workers' Welfare Administration o OWWA-12 OIC Regional Dir. Marilou Sumalinog, sa ngayon ay wala pa namang dumudulog sa kanilang tanggapan para humingi ng tulong.

Batay sa datos ng nasabing ahensiya, abot sa 19 na libong dokumentadong Overseas Filipino Workers o OFWs mula sa rehiyon dose ang kasalukyang nanganganib na maaapektohan ng "Saudization" sa Saudi Arabia.

Nabatid na ang "Saudization" ay isang paraan ng Saudi Arabian government na gawing prayoridad ang mga Arabo na mabigyan ng trabaho kaysa mga dayuhang namamalagi sa kanilang bansa tulad na lamang ng mga Pinoy.

Kaugnay nito, wala pang datos ang OWWA-12 sa eksaktong bilang ng mga OFW sa Saudi na hindi dokumentado.

Handa naman umanong tumulong ang Pamahalaang National sa mga Pinoy na uuwi ng Pilipinas matapos magpatupad ng crackdown ang Saudi Government laban sa mga ilegal na manggagawa sa nasabingbansa. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento