(Kidapawan City/ November 7, 2013) ---Nagdaos
ng kauna-unahang organizational meeting ang local chapter ng Kapisanan ng mga
Broadcaster ng Pilipinas kaninang umaga sa Kidapawan City.
Kasabay ng pagpupulong na ito ang paghalal
ng mga opisyales na siyang magtataguyod sa organisasyon dito sa lalawigan ng
North Cotabato.
Nahalal bilang Presidente si Edwin Fernandez
ng NDBC-Kidapawan, Vice President si Raffy Madamba ng Joy FM, Secretary si
Wendy Martinez ng Radyo Natin Kidapawan, Treasurer si Marlon Bolasa ng Gold
FM-Kidapawan, habang Auditor naman si Allan Dalo ng DXVL-Philippine Broadcasting
Service.
Uupo naman bilang mga Board of Directors ang mga station managers ng
lahat ng KBP-member stations sa lalawigan.
Inaasahan namang isasagawa sa susunod na
buwan ang Induction ng mga ito para pormal na makapagperform ng kani-kanilang
mga functions sa organisasyon.
Layon ng pagbubuo ng local chapter ng KBP
dito sa lalawigan na lalong mapatatag ang industriya ng pagbo-broadcast at
maiangat ang antas nito batay na rin sa mga pamantayang sinusunod ng kapisanan.
Allan Dalo
0 comments:
Mag-post ng isang Komento