(Kabacan, North Cotabato/ November 4, 2013)
---Kahit hindi mga muslim dapat umanong mamuhay ng tahimik at walang gulo.
Ito ang inihayag na mensahe ni MILF
spokesperson Von Alhaq sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pagdiriwang
ngayong araw ng Amon Jadid.
Sinabi ni Alhaq na ang Amon Jadid ay isa sa
mahalagang selebrasyon ng mga muslim bagama’t walang inihandang malaking
aktibidad ang mga ito ngayong araw.
Nabatid na ang Amon Jadid ay ang pagpasok ng
14 na siglo hanggang ika-15 siglo bilang tanda ng pagpunta ni Propheta Mohamad
sa Mecca.
Samantala, una nang ideneklara ng National
Commission on Muslim Filipinos sa Cotabato City na Muslim Holiday ngayon sa
Basilan, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Cotabato province, Sultan
Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at sa mga
lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian at Zamboanga. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento