Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kawani ng LGU Makilala, sugatan sa pamamaril

(Makilala, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Sugatan ang empleyado ng Pamahalaang Lokal ng Makilala makaraang barilin sa loob ng Pamilihang bayan ng Makilala, alas 10:20 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Abundio Lora Rosales, 26-anyos, may-asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, nag-iinspeksiyon ang biktima sa loob ng palengke ng barilin ng di pa nakilalang suspek, gamit ang kalibre .45 na pistol.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa siko at mabilis na isinugod sa isang bahay pagamutan para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Lulan umano ang mga suspek sa isang kulay pulang XRM na walang plaka.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang motibo sa pamamaril.

Kaugnay nito, maliban sa nabanggit, naging maayos naman sa kabuuan ang UNDAS 2013 sa bayan ng Makilala at buong probinsiya ng North Cotabato. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento