(Pikit, North Cotabato/ November 8,
2013) ---Nilamon ng apoy ang ilang mga establisiemento sa nangyaring sunog sa
pamilihang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 8:00 ngayong gabi.
Batay sa report ni DXVL News
Correspondent Nhor Gayak nagsimula umano ang apoy sa isang bakery kungsaan
nadamay ang ilang mga tindahan ng damit.
Nabatid na karamihan pa kasi sa mga
tindahan ay gawa sa light materials kung kaya’t mabilis ang pagkalat ng apoy at
nasunog ang maraming mga paninda.
Agad namang rumesponde ang Bureau of
Fire para apulahin ang napakalaking apoy na tumupok sa maraming
establisiemento.
Hindi pa ngayon mabatid kung magkano
ang danyos sa nasabing sunog.
Naganap ang insedente habang
kasagsagan ng ginagawang pagbibilang ng mga balota sa isinagawang special
election kanina sa 12 mga barangay ng Pikit.
Sinabi na Gayak na ginagawa ngayon
ang counting sa may Pikit Central elementary School kungsaan maraming mga
pulisya at militar ang ipinakalat sa lugar.
Hindi pa malinaw sa imbestigasyon
kung sinadya ang nangyaring sunog sa Pikit Public Market o di kaya ay
diversionary tactic ng ilang mga masasamang grupo upang mabaling ang atensiyon
sa nagpapatuloy na bilangan.
Matatatandaan na sinunog din ng mga
di pa nakilalang mga suspek ang isang gusali ng paaralan sa may barangay
Bago-inged alas 2:00 ng madaling araw kahapon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento