Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan Chamber of Commerce, di kontrolado ang mataas na bentahan ng gasolina sa Kabacan

(Kabacan, North cotabato/ November 8, 2013) ---Kung si Kabacan Chamber of Commerce Hector Simplicio ang tatanungin, di nila saklaw ang galaw ng presyuhan ng gasolina sa Kabacan.

Ito ang naging reaksiyon nito makaraang ilan sa mga motorista sa Kabacan ay umaangal na rin dahil sa mas mahal ang presyo ng gasolina sa Kabacan kung ihahambing sa mga kalapit na bayan.
Naniniwala ang opisyal na may basehan naman ang mga kumpanya ng langis sa bayan sa kanilang pagtatakda ng presyo ng kanilang gasolina.

Maging si Simplicio ay minsan sa bayan pa ng Midsayap nag-papakarga ng gasolina upang makamura kung siya ay babiyahe ng Cotabato city.

Ito rin ang reklamo ng ilang mga motorista dahil kung ihahambing ang presyo ng gasolina sa bayan ng Pikit, Midsayap at Pigcawayan mas mataas pa rin ang halaga ng gasolina sa Kabacan, gayundin kung ikukumpara ito sa Matalam, ayon sa report.

Sa panig naman ng LGU Kabacan, di rin nila kontrol ang nasabing usapin, labas na umano ito sa kanilang mga kamay.


Matagal na ring ipinatawag sa Sanggunian ang mga nag-mamay-ari ng gasolinahan sa Kabacan noon pang presiding officer pa si namayapang dating Bise Alkalde Pol Dulay, ito para maimbestigahan ang nasabing isyu in the aid of legislation, pero karamihan sa mga owner ito di sumisipot sa Sanggunian. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento