(Koronadal City/ November 5, 2013) ---Nahaharap
ngayon sa patong-patong na kaso ang dalawang pinaghihinalaang miyembro ng New
People’s Army (NPA).
Ito ang kinumpirma ni P/Supt. Jemuel Siason
ng T'boli PNP ng lalawigan ng South Cotabato PNP matapos maaresto ang mga
suspek na kinilalang sina Alexander Puerotgalera mula sa bayan ng Tulunan,
North Cotabato at Ariel Ariano ng Brgy. San Isidro ng Koronadal City.
Ayon kay Siason, kabilang sa mga kaso na
inihain nila ay paglabag sa ipinapatupad na election gun ban, ito makaraang sa
Nobyembre a-12 pa matatapos ang implementasyon nito.
Bukod dito, nahaharap din ang mga suspek sa
kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.
Napag-alaman na ang dalawa ay nahuli ng
pinagsanib na pwersa ng mga otoridad habang sakay ang mga ito ng pulang
Mitsubishi lancer na may plate number PGF 172 at karga ang apat na AK47 na
baril, 15 na mga magazine, mahigit sa 300 na live ammunition at mahigit sa 100
na mga bala ng M14 rifle. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento