Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P100, 000, inilabas ni Gov. Mendoza sa makapagturo sa suspek na pumatay sa brgy. chairman sa Mlang

(M’lang, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Nagpalabas ngayon ng reward money si Cotabato Governor Lala Mendoza sa sinumang makapagturo ng suspek na pumatay sa Kapitan ng Barangay Libo-o, Mlang.

Sinabi ng gobernador na P100,000 ang inilaan nitong reward money para sa anumang impormasyon ikadarakip ng mga responsable sa pagbaril kay Kapitan Eduardo Panes.

Pinakikilos na rin ng gobernador ang mga kapulisan na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Napag-alaman na si Panes ay nahalal sa kanyang ikalawang termino bilang kapitan ng Libo-o sa bayan ng Mlang ng paslangin ng mga riding in tandem habang papauwi ito sa kanyang bahay noong Sabado.

Malaki ang paniniwala ni PSI Rolando Dillera, hepe ng Mlang PNP na pulitika ang nasa likod ng nasabing pamamaslang.

Samantala, sa isinagawang Peace and Order Council Meeting kahapon humiling ng dagdag na pwersa ng military si Mayor Joselito Pinol para sa dagdag na deployment at augmentation ng pulisya sa Barangay Tawan-tawan ng nasabing lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento