(Pikit, North Cotabato/ November 6, 2013) ---Handa na ang kapulisan at military na magbabantay sa isasagawang special election sa bayan ng Pikit, North Cotabato bukas.
Mismo si Cotabato Provincial Election Supervisor Doque Kadatuan ang nagpahayag na nasa kamay na nila ang approval ng Commission on Election (Comelec) enbanc para sa mga barangay na may failure of election noong Oktubre 28.
Kaugnay nito, magsisilbing Board of Election Tellers (BET’s) ang 153 pulis mula sa Police Regional Office 12.
Gaganapin ang special election mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Ang special election ay gagawin sa ilang paaralan sa Poblacion Pikit.
Nanawagan naman si Kadatuan sa mga botante na lumabas at bomoto sa Biyernes upang makapili ang mga ito ng mga bagong opisyal sa barangay. (DXVL News)
Nanawagan naman si Kadatuan sa mga botante na lumabas at bomoto sa Biyernes upang makapili ang mga ito ng mga bagong opisyal sa barangay. (DXVL News)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento