(Kabacan, North cotabato/ November 8, 2013)
---Kung si Kabacan Chamber of Commerce Hector Simplicio ang tatanungin, di nila
saklaw ang galaw ng presyuhan ng gasolina sa Kabacan.
Ito ang naging reaksiyon nito makaraang ilan
sa mga motorista sa Kabacan ay umaangal na rin dahil sa mas mahal ang presyo ng
gasolina sa Kabacan kung ihahambing sa mga kalapit na bayan.
Naniniwala ang opisyal na may basehan naman
ang mga kumpanya ng langis sa bayan sa kanilang pagtatakda ng presyo ng
kanilang gasolina.
Maging si Simplicio ay minsan sa bayan pa ng
Midsayap nag-papakarga ng gasolina upang makamura kung siya ay babiyahe ng
Cotabato city.
Ito rin ang reklamo ng ilang mga motorista
dahil kung ihahambing ang presyo ng gasolina sa bayan ng Pikit, Midsayap at
Pigcawayan mas mataas pa rin ang halaga ng gasolina sa Kabacan, gayundin kung
ikukumpara ito sa Matalam, ayon sa report.
Sa panig naman ng LGU Kabacan, di rin nila kontrol
ang nasabing usapin, labas na umano ito sa kanilang mga kamay.
Matagal na ring ipinatawag sa Sanggunian ang
mga nag-mamay-ari ng gasolinahan sa Kabacan noon pang presiding officer pa si
namayapang dating Bise Alkalde Pol Dulay, ito para maimbestigahan ang nasabing
isyu in the aid of legislation, pero karamihan sa mga owner ito di sumisipot sa
Sanggunian. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento