(Kabacan, North Cotabato/ November 10, 2013) ---Sumailalim ang 50 mga kababaihan ng Kabacan sa Fish Processing Training na isinasagawa sa Plang Village, Poblacion, Kabacan, North Cotabato.
Ayon kay Agricultural Technologist at Fisheries Coordinator Lorna Mapanao tatlong araw ang nasabing training na nagsimula nitong Nobyembre a-6 hanggang Nobyembre a-8 ng kasalukuyang taon.
Layon nito na maturuan ang mga kababaihan sa pagluto at paggawa ng iba’t-ibang processed fish kagaya ng Tilapia chorizo, Bagoong at iba pa.
Bukod dito, ay mabigyan din ng trabaho at kita ang mga Nanay ng tahanan para sa dagdag na kikitain ng pamilya.
Ang nasabing training ay sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office ng Kabacan, Bureau of Fisheries and Aquatic resource o BFAR at ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao. Rhoderick Beñez
DXVL Staff
...
50 mga kababaihan sa Kabacan, sumailalim sa Fish Processing Training
Sabado, Nobyembre 09, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento