(Pikit, North Cotabato/ November 8, 2013)
---Sinunog ng mga di pa nakilalang mga suspek ang gusali ng paaralan sa
Barangay Bagoinged sa bayan ng Pikit, North Cotabato alas 2:00 ng madaling araw
kahapon.
Ayon kay PCInsp. Joefrrey Todeno, hepe ng
Pikit PNP isa ang ang nasabing eskwelahan sa mga pagdadausan ngayong araw ng
special election sa nasabing bayan.
Patuloy pa ngayon ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad kung sino ang mga responsable sa nasabing
panununog.
Sa panayam sa opisyal kahapon, nag-deploy na
sila ng mga kapulisan at militar sa 12 pagdadausan ng special election.
Napag-alaman na 153
mga pulis ang tatayong election tellers para sa special barangay elections sa
12 barangay sa nasabing bayan.
Sinabi ng Commission on Elections na gaganapin ang halalang
pambarangay bukas (Nobyembre 8) makaraang makaraang hindi matuloy nitong
Oktubre 28 dahil sa isyu ng seguridad.
Sumailalim naman sa orientation ang mga pulis na tatayong election
tellers kung paano magpatakbo ng halalan, ayon kay Provincial Election
supervisor Atty. Duque Kadatuan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento