(Pikit, North Cotabato/ November 7,
2013) ---Patay ang mag-ina habang sugatan naman ang isa pang kasama nito
makaraang manalasa ang malakas na Ipu-ipo sa Barangay Pamalian sa bayan ng
Pikit, North Cotabato alas 5:30 kahapon.
Sa panayam ng DXVL News kay Pikit Municipal
Disaster Risk Reduction Officer Tahira Kalantongan ang mga biktima na si Bing
Guiamelon Ocuman habang kinilala naman ang anak nitong si Datu Puti, isang
taong gulang.
Sugatan naman si Doreen, grade 2, walong
taong gulang na anak ng biktima.
Nagpapagaling ngayon sa isang bahay
pagamutan sa Pikit si Doreen makaraang magtamo ng malubhang sugat.Habang
naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay.
Ayon sa ulat, nasa loob umano ng
kanilang bahay ang tatlo ng manalasa ang napakalakas na Ipu-Ipo.
Sinabi pa ng opisyal na dahil sa
lakas ng hangin na dala ng nasabing ipu-ipo ay nabuwal ang isang puno ng kahoy
malapit sa bahay ng mga biktima dahilan para mabagsakan ang kanilang bahay.
Isang kawayan ang tumapos sa buhay
ng ginang ng matamaan ito habang nabagsakan naman ang malambot na ulo ng isang
taong gulang na bata dahilan ng agarang kamatayan nito, ayon kay Kalantongan.
Agad namang ipinag-utos ng MDRRMC
ang paglikas sa mahigit 50 pamilya para maiwasang madamay pa ang mga ito baka
muling manalasa ang buhawi sa lugar habang papasok ng Mindanao ang bagyong
Yolanda.
Samantala higit sa limang mga
pamamahay naman ang napinsala makaraang manalasa ang nasabing buhawi sa Sitio
Centro Proper, Barangay Montay, Northern Kabuntalan sa lalawigan ng Maguindanao
alas 6:00 kagabi. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento