(Midsayap, North Cotabato/ November 6, 2013)
---Isang laptop computer ang ibinigay ng Joy and Care-Giving Foundation para sa
mga kabataan ng Lt. Andres Calungsod Elementary School o LACES sa Midsayap,
North Cotabato.
Pormal itong ipinamahagi sa Supreme Pupil
Government ng nasabing eskwelahan ngayong araw sa pamamagitan ng isang simpleng
seremonya na ginanap sa Congressional District Office.
Pinangunahan ni Founder Josie Garcia ang
pamamahagi ng nasabing educational equipment.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga kabataan sa
tinanggap na tulong.
Ayon kay LACES SPG President Kristine Toylo,
malaking tulong umano ito sa kanilang pag-aaral lalong lalo sa larangan ng
teknolohiya.
Noong 2012, namahagi na rin ang nasabing
foundation ng isang computer unit at educational reading materials para naman
sa mga kabataan ng Anonang Elementary School dito sa bayan.
Ang Joy and Care-Giving Foundation ay isang
non- government organization na nakabase sa Florida sa bansang Amerika na
naglalayong makatulong sa pagtatayo ng mga eskwelahan at makatulong sa
edukasyon ng mga kabataan sa Pilipinas. Roderick
Bautista
0 comments:
Mag-post ng isang Komento