(Kabacan, North Cotabato/ November 6, 2013)
---Malaki ang ibinaba ng kaso ng dengue sa bayan ng Kabacan nitong nakaraang
buwan.
Ito ang nabatid sa datos na inilabas ni
Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon.
Sinabi ni Cabellon na tatlong dengue cases
lamang ang kanilang naitala sa buong buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.
Mas mababa ito kung ihahambing sa 6 na kaso
ng nasabinbg sakit noong buwan ng Setyembre.
Batay sa Datos ng Rural Health Unit tatlong
barangay ang apektado ng naturang sakit: Cuyapon, Kayaga at Osias.
Kung ikukumpara sa kaparehong quarter ng
nakaraang taon, mas mababa na ngayon ang nagkakasakit dahil sa dengue sa
Kabacan, pero sa kabila nito nasa alert pa rin ang bayan sa nasabing sakit, ayon
kay Cabellon.
Bukod sa dengue may ilang sakit naman ang
namonitor ng Disease Surveillance sa iba’t-ibang mga hospital ng bayan kagaya
ng syphilis, Hepatitis B, Typhoid, trangkaso at Bacterial Meningitis. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento