Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lakas at Kagalakan na galing sa Panginoon kailangan ng mga Nanay –ayon sa isang mataas na opisyal ng Simbahan; 60 mga Nanay bibigyan ng Parangal ngayong Mother’s Day sa isang simbahan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 11, 2012) ---Abot sa anim na pung mga Nanay ang bibigyan ng pagkilala at parangal sa Linggo bilang selebrasyon sa Mother’s Day ng kanilang mga anak na gagawin sa Kabacan Assembly of God.

Ito ang napag-alaman mula kay Pastor Josue Solomon, Senior Pastor ng King’s Highway Assembly of God sa Kabacan.

Regional Mass Training sa mga grade 1 teachers; gagawin sa Kabacan para sa paghahanda sa K+12 ng DepEd

(Kabacan, North cotabato/May 11, 2012) ---Gagawin sa Kabacan Pilot Elementary School at USM Annex dito sa bayan ng Kabacan sa May 13-17 ang Mass Training sa lahat ng mga grade 1 teachers sa buong Rehiyon dose.

Ito ayon kay Kabacan Pilot Elementary School Principal Annie Roliga bilang paghahanda ng mga ito sa ipapatupad na K+12 ng Department of Education.

Paglalagay ng geothermal Power Plant sa Mt. Apo; hinihikaya’t ng isang Judge sa pamunuan ng Coteco

(Matalam, North Cotabato/May 11, 2012) ---Para kay Judge Alexander Yarra, naging intervener ng isinagawang Public Hearing ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco, nitong Miyerkules mas mabuti anyang isusulong ng kooperatiba ang paglalagay ng geothermal Power Plant sa Mt. Apo na patatakbuhin ng Cotelco upang magkaroon ng sapat na supply ng kuryente sa North Cotabato.

Ito ang naging reaksiyon ng opisyal sa isinagawang public hearing ng Cotelco hinggil sa balak na dagdag singil sa bayarin ng kuryente sa susunod na limang taon na .37 centavos kada kilowatt hour.

Matapos dinggin kamakalawa ng Energy Regulatory Commission ang ERC Case No. 2012-025 ng Cotelco sa Manubuan, Matalam.

Para makuha simpatiya ng mga mamamayan, alak, babae, sugal dapat daw iwasan ng mga sundalo – ayon sa isang mataas na opisyal ng Army sa North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/May 10, 2012) ---Payo ng isang mataas na opisyal ng Philippine Army sa kanyang mga tauhan: Kung nais nila makuha ang simpatiya at suporta ng mga mamamayan, lalo na sa mga lugar na impluwensiyado ng NPA, dapat iwasan nila ang “alak, babae, at sugal.”
           
Ayon kay Captain Ernesto Aguilar, commander ng Bravo Company ng 57th IB, bahagi ng kanilang ‘peace-building activity’ ang paggawa ng mabuti sa kapwa.

Dalawang rape suspect arestado ng CIDG-North Cotabato

(Pigcawayan, North Cotabato/May 10, 2012) ---Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato ang dalawang lalaki na akusado sa kasong rape.
         
Kinilala ni CIDG-Cotabato provincial director, Chief Inspector Elmer Guevarra, ang kanilang mga inaresto na sina Rosalino Espadilla, 23, at Ramon Setera, 37, pawang mga residente ng Pigcawayan, North Cotabato.

Summer Kids Peace Camp gagawin sa Kidapawan City

(Kidapawan city/May 10, 2012) ---Itatampok sa tatlong araw na ‘Summer Peace Kids Camp’ na magsisimula ngayong Mayo 21 ang leadership skills training sa hanay ng kabataan at pagtuturo sa kanila ng First Aid at Survival Techniques.
         
Naniniwala ang mga organizer ng kids camp na ang naturang mga practical skills training ay magbibigay sila ng dagdag na kaalaman para harapin ang buhay.

Listahan ng mga bagong iskolars, ipinalabas ng tanggapan ni Cong. Sacdalan

(Midsayap, North Cotabato/May 10, 2012) ---Matapos ang final screening at orientation noong Sabado, May 5 ng taong kasalukuyan sa CJNS Kapayapaan Hall sa Midsayap, inilabas na ng district office ni North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan ang opisyal na listahan ng mga bagong iskolars nito para sa darating na pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Limang mga katutubo sa Magpet, N Cotabato na pinagdudahang mga NPA umangal; humiling sa Army bawiin ang kanilang pahayag

(Magpet, North Cotabato/May 10, 2012) --- Itinanggi ng isang tribal community sa Barangay Kinarum ng Magpet, North Cotabato ang paratang ng Philippine Army na umano lima sa kanilang mga miyembro ay mga rebeldeng New Peoples’ Army o NPA.
         
Reaksyon ito ng tribal leaders sa pahayag ng isang Sgt. Vigo ng 57th IB na nakabase sa Magpet na umano limang mga Manuvu ang aktibo sa kilusang NPA sa kanilang lugar.

Pamamasada ng mga habal-habal drivers sa Kidapawan City; tuloy pa rin kahit nasaksak ang kanilang bise-Presidente

(Kidapawan City/May 10, 2012) ---Sa kabila ng nangyari sa kanilang bise-presidente na nasaksak at natangayan ng motorsiklo, tuloy pa rin ang trabaho ng mga habal-habal drivers sa Kidapawan City.
         
Sinabi ni Alexander Portogalete, presidente ng KAJUPASA Habal-Habal Drivers and Operators Association, bagama’t mapanganib ang kanilang trabaho tuloy pa rin ang pamamasada para lang mabuhay.

Katutubo sugatan matapos saksakin sa Magpet; pero mga suspect pinalaya matapos makialam ang tribal court

(Magpet, North cotabato/May 10, 2012) ---Pinalaya ng Magpet PNP ang apat na mga lalaki na itinuturong suspect sa pananaksak sa isang katutubo sa may Barangay Tagbak, Magpet.
         
Ayon sa Magpet PNP, tumanggi ang biktimang si Edward Luhong na isampa ang kaso kontra sa mga ito.
         
Ito ay matapos raw isailalim sa pagdinig ng kanilang tribal court ang kaso ni Luhong.

Tubong Kabacan nag-iisang researcher ng Atomic Energy Commission sa bansang France

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Isang 26-anyos na tubong Kabacan, North Cotabato ang ngayon ay mahahanay sa mga magagaling na mananaliksik sa larangan ng Physics partikular sa Atomic Energy Commission ng kompanyang DITANET, isang malaking research center sa bansang France.

Siya si Cherry May Mateo, residente ng brgy. Katidtuan ng bayang ito.

8 megawatts na load dispatch mula sa TMI, ginagamit na ng Cotelco; pero 1 oras na brown-out tuwing gabi; aasahan pa rin daw

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Simula alas 5:00 kahapon ng hapon ay ginagamit na ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ang 8 megawatts na load dispatch mula sa Therma Marine Inc. o TMI isang private barge na pag-mamay-ari ng Aboitiz.

Ito ayon kay Cotelco General Manager Engr. Godofredo Homez bagaman sinabi nitong walang brown-out sa araw pero aasahan pa rin ang isang oras na power interruption sa gabi.

4 na mga bahay sabay na ninakawan sa Kabacan; libung halaga natangay ng mga salarin

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring panloloob sa Hilario Compound, USM Avenue, Kabacan nitong umaga ng Lunes.

Batay sa report ng Kabacan PNP, pwersahang pinasok ng mga kawatan ang Strausel na tindahan ni Ginang Myla Catolico residente ng nabanggit na lugar sa pamamagitan ng pagtanggal ng bintana ng nasabing tindahan, tinangay ng mga magnanakaw ang isang pares ng sapatos na nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa P6,000.00.

2 sako ng bigas at libung halaga ng pera; ninakaw sa isang Sari-sari store sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Abot sa P5,000.00 ang nilimas sa isang Sari-sari Store sa Purok Masagana, Poblacion, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Batay sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang may ari ng nasabing tindahan na si Hipolito Reyes, nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.

2 katao; arestado sa Kabacan, Cotabato dahil sa pagdadala ng baril

(Kabacan, North Cotabato/May 9, 2012) ---Sa kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang maaresto ng Kabacan PNP dahil sa pag-dadala ng baril alas 9:45 ng gabi nitong Lunes.

Nanguna sa pag-aresto si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP sa dalawang mga suspetsado na sina Dino Dacara Pagatpatan, 33, residente ng brgy. Manongol, Kidapawan City kasama ang driver nito na nakilalang si John Miclat Hamdan, 32, residente ng brgy. Sudapin ng nabanggit na lungsod.

Proyektong kalsada ng GEM sa Midsayap, pinapurihan ng DPWH

(Midsayap, North Cotabato/May 9, 2012) ---Abot sa humigit kumulang sampung kilometrong sementadong daan ang ininspeksyon ngayong araw ng mga opisyal ng DPWH Cotabato Second District Engineering Office kasama ang mga kinatawan mula sa tanggapan ni Cong. Sacdalan, provincial government, contractors at Growth Equity for Mindanao o GEM.

Kaugnay nito, pinuri ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang nasabing road concreting project ng GEM sa lugar, batay sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Tree planting bilang income-generating project ng mahihirap na paaralan sa Kidapawan City pinagtutuunan ng pansin ng mga kabataan ngayong Summer

(Kidapawan City/May 9, 2012) ---Sa halip maglagalag ngayong summer, mas pinagtuunan ng pansin ng higit sa 200 mga kabataan, ilan sa kanila out-of-school youth, ang pagtatanim ng seedling ng goma sa mga bakanteng lote ng mahihirap na eskwelahan sa Kidapawan City.

Tinawag nila ang kanilang grupo na, “Mindanao Youth Peace Builder.”
         
Noong Sabado, abot sa 200 seedling ng goma ang kanilang itinanim sa bakanteng lote ng Ginatilan Elementary School, isang malayong eskwelahan sa Kidapawan City na nasa paanan ng Mount Apo.

Tubong Kabacan nag-iisang researcher sa Atomic Energy Commission ng bansang France

(Kabacan, North cotabato/May 9, 2012) ---Isang 26-anyos na tubong Kabacan, North Cotabato ang ngayon ay mahahanay sa mga magagaling na mananaliksik sa larangan ng Physics partikular sa Atomic Energy Commission ng kompanyang DITANET, isang malaking research center sa bansang France.

Siya si Cherry May Mateo, residente ng brgy. Katidtuan ng bayang ito.

Si Mateo ay nagtapos ng kanyang high school sa University Laboratory School dito sa USM at kumuha siya ng kanyang Bachelor of Science in Physics sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City.

Isang abogado sa North Cotabato, nananawagan na magkaisa ang mga Pulitiko sa gitna ng kinakaharap na krisis sa kuryente

(Kidapawan City/May 8, 2012) ---Hinimok ngayon ni Atty. Cromwell Rabaya, isang private counsel ang mga pulitiko sa North Cotabato na dapat magkaisa para resolba ang problema sa brownout sa lalawigan sa halip na mag-watak-watak ang mga ito.

Ginawa ng opisyal ang pahayag dahil sa tingin nito ay nababahiran ng pulitika ang mga pagkilos ng mga pulitiko – kung usapin sa pagresolba ng krisis sa kuryente ang pag-uusapan.

Kampo ng militar sa North Cotabato inatake ng NPA

(Magpet, North Cotabato/May 7, 2012) ---Sinalakay ng mga miembro ng New Peoples Army dakong alas 10:55 ng gabi ang Community Outpost ng Peace Development Team ng 57th Infantry Battalion Phil.Army sa Purok 2 Bgry Kinarum Magpet North Cotabato.

Ayun kay 6th Infantry Division Public Affairs Chief Colonel Prudencio Asto na tumagal ng sampung minutong palitan ng putok sa magkabilang panig.

Putol na linya ng kuryente dahilan ng pagkamatay ng binatilyo sa Kidapawan City

(Kidapawan City/May 7, 2012) ---Patay na ng matagpuan ang isang binatilyo makaraang makuryente sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City alas 10:00 ng umaga nitong linggo.

Kinilala ng kanyang mga kamag-anak angbiktima na si Richard Mahinay Ingkal, 22 taong gulang at residente rin ng nabanggit na lugar.

Isang nakakadudang bagay bumagsak sa lote ng isang pulitiko sa Kidapawan City

(Kidapawan City/May 7, 2012) ---Dakong alas-dose ng hatinggabi noong Linggo, nakita ng mga trabahante sa farm lot ni dating Cotabato 2nd district Representative Bernardo Pinol, Jr., sa Kidapawan City na bumagsak ang isang umano ‘suspicious-looking object’.
       
Para makasiguro, humingi ng tulong sa mga pulis si Pinol.
       
Dumating ang mga pulis, bandang alas-1230 ng umaga, kahapon, sa farm lot nito sa may Barangay Meohaw.

25% na direct line mula sa Geothermal Power Plant papunta sa cotelco hiniling ng convenors ng “NAPIKON KONTRA SA BROWNOUT”; DOE sa Cotelco, naibigay na raw

(Kidapawan City/May 6, 2012) ---Ayon kay City Administrator Rodolfo Cabiles, Jr., lider ng grupong, NAPIKON SA BROWNOUT o Nagkakaisang Pinoy Kontra sa Brownout, ‘EMOTIONAL BUT CORDIAL’, ganito niya inilarawan ang pulong noong Huwebes sa mga opisyal ng Department of Energy at mga power firm executives upang talakayin ang krisis sa kuryente na nararanasan sa North Cotabato.
         
Ang kahilingan ng grupo ipinarating nila kay Energy Secretary Jose Almendras sa pamamagitan ng mga isinulat nila sa kanilang suot na yellow shirt, noong araw ng pulong.

Pondo para sa street lighting project sa Kidapawan City nakatakdang maipalabas ngayong linggo – ayon sa DoE

(Kidapawan City/May 5, 2012) ---Aasahan na daw ngayong linggo na maipalabas ang tseke para sa street lighting project ng Kidapawan City.

Ito ang napag-alaman mula kay Kidapawan City LGU Budget Officer Alex Pana kungsaan personal na tinungo ang opisina ng Department of Energy o DoE noong Huwebes upang i-follow up ang naturang pondo.
         
Ayon kay Pana, naka-voucher na ang pondo at pirma na lamang ng mga DoE officials ang kailangan upang mailabas na ang tseke.