(Kidapawan City/May 10, 2012) ---Sa
kabila ng nangyari sa kanilang bise-presidente na nasaksak at natangayan ng
motorsiklo, tuloy pa rin ang trabaho ng mga habal-habal drivers sa Kidapawan
City.
Sinabi ni Alexander Portogalete,
presidente ng KAJUPASA Habal-Habal Drivers and Operators Association, bagama’t
mapanganib ang kanilang trabaho tuloy pa rin ang pamamasada para lang mabuhay.
Hindi ang kanilang bise-presidente na
si Isabolo Aguanza ang una sa mga habal-habal drivers na nabiktima ng karahasan
habang namamasada.
Mas matindi ang naganap noong 2011 sa
isang skylab driver na taga-Barangay Singao dahil bago tinangay ang kanyang
motorsiklo ay binaril at pinatay pa nila ito.
Masuwerte nga lang daw si Aguanza
dahil no’ng barilin ito nang maraming beses, di raw pumutok ang armas ng isa sa
mga suspect.
Pero ang kanyang motorsiklo natangay
ng mga suspect.
Ayon sa PNP, na-recover nila sa crime
scene ang damit na umano pinagbihisan ng isa sa mga suspect.
Gagamitin raw nila’ng ebidensiya ito
sakaling makikilala na ang mga suspect.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento