(Kabacan,
North Cotabato/May 9, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng
mga otoridad sa nangyaring panloloob sa Hilario Compound, USM Avenue, Kabacan
nitong umaga ng Lunes.
Batay
sa report ng Kabacan PNP, pwersahang pinasok ng mga kawatan ang Strausel na
tindahan ni Ginang Myla Catolico residente ng nabanggit na lugar sa pamamagitan
ng pagtanggal ng bintana ng nasabing tindahan, tinangay ng mga magnanakaw ang
isang pares ng sapatos na nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa P6,000.00.
Ginamit
ng mga magnanakaw ang likurang bahagi ng pintuan sa kanilang pagtakas.
Pinasok
din ng mga di pa nakilalang salarin ang bahay na pag-mamay-ari ni Dante
Hilario, 38 residente ng nabanggit na lugar kungsaan nilimas ng mga salarin ang
cellphone ng mga katulong nito na nagkakahalaga ng mahigit kumulang sa
P4,000.00.
Batay
sa report nangyari ang insedente alas 5:00 ng umaga nitong Lunes, kungsaan
pinasok ng mga suspek ang bahay nito sa pamamagitan ng slide window.
Narekober
ng may-ari ng bahay ang isang pares ng tsinelas na posibleng naiwan ng mga
salarin habang nagmamadaling tumakas papalayo mula sa Hilario compound.
Maliban
sa nabanggit, nilooban din ang isa pang bahay ni Hilario na nasa nabanggit na
compound kungsaan natangay ang wallet ng kanyang house boy na nakilalang si
Rodel dela Cruz na naglalaman ng mahigit kumulang sa P2,200.00, mga litrato,
resibo, Nokia Cellphone nito na nagkakahalaga ng P2,000.00, bag nito na
naglalaman ng personal na mga gamit.
Madali
umanong nakapasok ang mga salarin dahil nakalimutang i-lock ng nasabing house
boy ang kanilang pintuan.
Samantala,
isang araw bago nangyari ang insedente ay nilooban din ang bahay ni Aida
Hilario ng mga salarin sa pamamagitan ng pagsira ng lock ng pintuan ng kanilang
kwarto at natangay mula sa nag-uukupa ng nabanggit na bahay na si Rizza Silvan,
18, service crew ng pizza treat at residente ng Alamada, Cotabato ang abot sa
P1, 253 na pera nito at cellphone ni Aling Hilario na nagkakahalaga ng P4,000.
Naniniwala
naman si SPO1 Kenneth Garbin, investigator ng Kabacan PNP na posibleng iisang
grupo lamang ang pumasok sa nasabing compound habang subject for manhunt na ng
mga pulisya ang mga salarin. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento