Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pondo para sa street lighting project sa Kidapawan City nakatakdang maipalabas ngayong linggo – ayon sa DoE

(Kidapawan City/May 5, 2012) ---Aasahan na daw ngayong linggo na maipalabas ang tseke para sa street lighting project ng Kidapawan City.


Ito ang napag-alaman mula kay Kidapawan City LGU Budget Officer Alex Pana kungsaan personal na tinungo ang opisina ng Department of Energy o DoE noong Huwebes upang i-follow up ang naturang pondo.
         
Ayon kay Pana, naka-voucher na ang pondo at pirma na lamang ng mga DoE officials ang kailangan upang mailabas na ang tseke.

         
Mismong si DoE Undersecretary Patricia Asirit ang nagbigay ng katiyakan sa Kidapawan LGU sa release ng naturang pondo.

Paliwanag ng DoE, ang pondo na nagkakahalaga ng P4.5 million ay kinuha nila mula sa kinita ng national government mula sa power industry.  

At bilang host ng power sources, kasama umano ang Kidapawan City sa mga mabibiyayaan ng mga proyektong nagmumula sa naturang pondo.
         
Noon pang Disyembre hinintay ng Kidapawan City LGU ang pondo.

Kapag nai-download na ang pondo, maaaring simulan na ang paglalagay ng mga poste at ilaw sa highway ng Kidapawan City – mula Landmark sa boundary ng Kidapawan City at Makilala patungo ng Barangay Lanao.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento