Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sundalo sugatan sa vehicular accident sa Kabacan, .45 na pistol narekober

(Kabacan, North Cotabato/May 4, 2012) ---Sugatan ang isang sundalo makaraaang masangkot sa isang vehicular accident sa National Highway, Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato dakong alas 4:30 kahapon ng hapon partikular sa harap ng Presto ricemill.


Batay sa report ng Kabacan traffic Police sangkot sa nasabing vehicular accident ang isang kulay asul na Honda XRM na may plate number MO 1069 na minamaneho ni Sgt. Guiawali Guiamalon, member ng Charlie Coy 57IB, Philippine Army at residente ng Bagua 2, Cotabato City.


Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad lumalabas na habang binabaybay ng sundalo ang kahabaan ng National Highway ng aksidente nitong mabangga ang isang kulay itim na Kawasaki Bajaj na mayplate number 6445 YV na pag-mamay-ari ni Jenry Estares residente ng Brgy. Marbel, Matalam, Cotabato.

Nabatid ng mga otoridad na walang mga driver’s license ang dalawang nagmamaneho at nakuha naman mula sa nasabing sundalo ang .45 na armas, kungsaan bigo namang makapagbigay ng kaukulang dokumento si Guiamalon dahilan kung bakit kinumpiska ang armas nito.

Kapwa nagtamo ng sugat ang driver kasama ang mga angkas nito na kinilalang sina Nempa Besas at Clyza Besas, anim na taong gulang na mabilis namang isinugod sa Kabacan Doctors and Polymedic Hospital.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng mga otoridad ang nasabing insedente. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento