(Upi,
Maguindanao/April 30, 2012) ---Kabuuang apat na raang mga learners ang nagtapos
sa tatlong buwang pag-aaral ng Literacy for peace and Development (LIPAD)
Project na pinondohan ng USAID.
Ang mga learners ay
mula sa limang Brgy. ng Upi na kinabibilangan ng Brgy. Kibleg, Ganasi, Nangi at
Borongotan.
Ginanap ang completion
ceremony nitong araw ng Sabado, April 28 sa Upi Municipal Gymnasium.
Ang nasabing
seremonya ay dinaluhan ni MAGBASSA KITA FOUNDATION Inc. o MKFI-LIPAD Project
Director Pilar Bautista, sa kanyang mensahe sinabi nito na malaki ang naitulong
ng LIPAD project sa mga mag-aaral na nagkaka-edad ng labing lima pataas dahil
sila ngayon ay marunong nang bumasa, sumulat at magkwenta na kanilang magagamit
sa pang-araw2x nilang pamumuhay, dahilan upang hindi na sila malinlang lalo na
sa kanilang maliliit na negosyo.
Sumaksi rin sa
nasabing pagtitipon sina Mayor Ramon Piang Sr. at ilang miyembro ng Sangguniang
Bayan ng Upi.
Pinasigla naman ang
programa ng mga pagtatanghal mula sa mga completers na nagpakita ng iba’t-ibang
cultural dances at maguindanaon Songs.
Ilan sa mga completers ang naging
emosyonal dahil di umano nila inakalang mararanasan pa nila ang mga ganitong
eksena lalo na’t karamihan sa completers ay medyo nagkaka-edad na.
Ang mga
nagsipagtapos na learners mula sa limang mga Brgy. ay tumanggap ng Certificate
of Completion at mga katutubong kwento o mga babasahing makakatulong upang mas
mahasa pa nila ang kanilang kakayahan sa pagbasa.
Iginawad naman sa mga
natatanging completers ang Best in Reading, Best in Writing at Best in
Numeracy.
Sa mensahe ni Brgy.
Chairman Irene Galanto ng Borongotan, nagpasalamat ito ng labis sa mga Learning
Facilitators na nagtiyagang umakyat ng bundok para lamang magbahagi ng
serbisyong pang-edukasyon sa kanyang mga kabarangay. (Hannadi Guiamad)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento