Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

“Mangga Moro” na makikita lamang sa Mindanao; isinusulong ng isang opisyal sa Kabacan na kilalanin

(Kabacan, North Cotabato/May 2, 2012) ---Maliliit na mangga, malalaki ang buto kapag hinog, masarap papakin kapag hilaw dahil sobrang asim at kapag hinog naman ay sobrang tamis, ito isinalarawan ni Executive Director for Moro People’s Community Organization for Reform and Empowerment Zaynab Ampatuan, ang “Mangga Moro”.

Photo courtesy by: Zaynab Ampatuan

Ang “Mangga Moro” na dito lang sa Mindanao makikita ay mas kilala sa tawag na “Mangga Tidtu”  sa Maguindanaoan na ang ibig sabihin ay totoong Mangga, ayon kay Ampatuan.

Kaugnay nito, ipinagmamalaki din maging ni Councilor Jonathan Tabara ang nasabing Mangga matapos na kinilala ito ng mga sinaunang mga tao na naninirahan sa Mindanao.

Aniya, isusulong nito sa Sangguniang Bayan in aide of legislation ang pagkilala ng nasabing Mangga.

Nais din ng opisyal na ideklara at kilalanin na Mangga ng Mindanao ang Mangga Tidtu sa pamamagitan ng pagpasa ng resolusyon sa Sanggunian, hinikaya’t din nito ang Municipal Agriculture Office at ang College of Agriculture ng USM na pag-aralan pa ang mga benefits na makukuha sa nasabing prutas.
Hinikaya’t din nito ang lahat na tangkilikin hindi lamang ang Mangga Tidtu bilang pagbabalik tanaw din sa kultura, tradisyon kagaya ng pananamit kundi kasama rin nito ang pagtangkilik sa mga sinaunang pagkain.

Na ayon pa kay Zaynab ay pinagmulan ng iba’t-ibang sakit ang mga iba’t-ibang pagkain, kaya naman ay dapat na balikan ang mga tradisyunal na pagkain na mas healthy at maiiwasan ang anumang sakit. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento