Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbuwag sa illegal na droga sa bayan ng Kabacan; pokus ng bagong hepe ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Aminado ngayon ang bagong talagang hepe ng Kabacan PNP na isa sa mga pangunahing problema sa bayan ang talamak na pagtutulak ng illegal na droga partikular na ang shabu.


Ito ngayon ang pangunahing tinututukan ni P/Supt. Raul Supiter para tuluyan ng mabuwag itong mga nagtutulak at gumagamit ng nasabing illegal na droga.

Kaugnay nito, humuhiling ngayon ng suporta mula sa pamahalaang lokal ang opisyal na mabigyan sila ng mga lighting at water facilities sa itatayo nilang monitoring team sa Purok Chrislam, na sinasabing drug den sa Kabacan.

May mga tauhan na rin itong inilagay at mga checkpoint sa bawat sulok sa lugar.

Maliban sa Purok Chrislam, may ilan ding lugar at brgy na minomonitor ang opisyal dahil sa talamak din ang pagtutulak ng illegal na droga. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento