(Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Maliban
sa isang malaking sangay ng bangko na papasok upang mamumuhunan sa bayan ng
Kabacan, madami na rin umanong mga negosyante ang nakatakda pang maglalagak ng
kanilang negosyo sa bayan.
Ito ang ibinunyag ni Administrative Officer
Cecilia Facurib matapos na binuo na rin nila ang Technical Working Group ng
Municipal Investment and Incentives Code na pangangasiwa sa mga maliliit at
malalaking negosyo sa bayan.
Ang pagpanday sa nasabing batas ay nakasaad
sa Memorandum circular 2011-01 ng Department of Interior and Local Government
at ng Department of Trade and Industry o DTI.
Ngayong taon posibleng bubuksan ang Metro
Bank sa bayan ng Kabacan at ang isa sa pinaka-aabangan ang pagbubukas din ng
Super Rama na isa sa pinakamalaking super Store mula sa Cotabato city.
Una dito tiwala ang mga investors sa pamumuno
ng punong ehekutibo ng bayan at ang umaangat na ekonomiya ng Kabacan.
Bagama’t malaking banta ang peace and order,
umaasa naman ang mga negosyante na di ito hadlang sa patuloy na pag-angat din
ng kanilang negosya sa lugar.
Ang bayan ng Kabacan na isang first class
Municipality ay isa sa mga progresibong munisipyo sa North Cotabato na ang mga
pangunahing produkto ay palay, mais at Niyog.
Dito rin makikita ang isa sa pinakamalaking
Unibersidad sa bahaging ito ng Mindanao ang University of Southern Mindanao o
USM. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento