(Midsayap,
North Cotabato/May 3, 2012) ---Pormal nang ipinamahagi sa mga mangingisdang
MidsayapeƱo partikular sa Barangay Olandang ng bayan ang abot sa 10 thousand
tilapia fingerlings mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at
tanggapan ni North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan.
Sa
isang simpleng seremonya kahapon, tinanggap ng grupong KADALOMAN Association ang
mga fingerlings kalakip ang feeds bilang panimula ng proyekto.
Matatandaang
naghukay ng abot sa siyam na units ng fishpond ang KADALOMAN association sa
pamamagitan ng proyektong Pagkain at Bayanihan Para sa Kapayapaan Food For Work
Program ni Cong. Sacdalan sa pakikipagtulungan sa DSWD Region 12.
Sa
report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista, nagpa-abot naman
ng pasasalamat si KADALOMAN Association- Olandang focal person Ibrahim Simpal
sa inisyatibong ito ni Cong. Sacdalan, BFAR at DSWD dahil umabot sa kanila ang
natukoy na proyekto.
Samantala,
umaasa ang mga benepisyaryo na magtutuloy- tuloy ang ganitong uri ng programa
sa kanilang lugar.
Pinaalalahan
din ni Congressional District Office staff Dominador Aspacio ang mga
benipisyraryo na palaguin at pangalagaan ang programa upang makatulong sa
kanilang pamilya at asosasyon.
Ang
KADALOMAN ay isang asosasyon na itinatag upang isulong ang adhikaing
makapagpatupad ng mga proyekto at programa sa riverside sa pamamagitan ng
pangangalap ng tulong at suporta sa mga ahensya ng gobyerno.
Binubuo
ito ng alyansya ng mga barangay sa Midsayap na kinabibilangan ng Barangay
Kadingilan, Damatulan, Lomopog, Olandang, Macasendeg, at Nabalawag.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento