Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Top Story of the day: DOE sa kooperatiba sa Mindanao- 20 megawatts lang muna, kaya 8-oras na load curtailment sa service area ng Cotelco, ibinalik

(Kabacan, North Cotabato/May 3, 2012) ---Nagpalabas kahapon ng hapon ng deriktiba si Department of Energy Secretary Rene Almendras na bigyan ng 20 megawatts lamang na load dispatch ang lahat ng kooperatiba sa Mindanao mula sa NPC-PSALM.

Ito ang dahilan kung bakit balik sa walong oras na rotational brown-out ang mararanasan sa mga service area ng cotelco simula ngayong araw, taliwas sa unang inireport kahapon na abot na lamang ng limang oras na load curtailment.

Ayon kay Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio, sa panayam ng DXVL sa programang Morning News ngayong umaga, balik sa April Matrix ang susundin nila na load curtailment, hanggang sa di pa makabalik sa grid ang Pulangi Hydro Power Plant.

Kung kailan maibabalik hindi pa mabatid ng DOE.

Ibigsabihin malawakang brown-out pa rin ang mararanasan ng mga taga North Cotabato.

Hindi rin batid kung kailan maaprubahan ng ERC ang hinihiling ng cotelco na 8 megawatts bilang pandagdag sa load dispatch upang kung di man tuluyang mawala ay maibsan lamang ang napakahabang power interruption dala ng krisis sa enerhiya sa bahaging ito ng Mindanao. (Rhoderick Beñez)






0 comments:

Mag-post ng isang Komento