(Midsayap,
North Cotabato/May 4, 2012) ---Dismayado ang isang mataas na opisyal ng pulisya
sa North Cotabato makaraang madismiss ang kasong isinampa laban kay Datukan
Samad o mas kilala sa ‘Lastikman’, inmate sa Kidapawan City Jail na
tangkang i-rescue at patakasin sana noong Pebrero 19 matapos atakihen ng may
mahigit sa 30 armado ang nasabing kulungan na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo
katao at ikinasugat ng 17 iba pa.
Isinisi
ni Sr. Supt. Cornelio Salinas, provincial director ng North Cotabato PNP, ang
pagkakadismiss sa kaso ni “Lastikman” dahil sa malamig umano ang mga testigo na
ipagpatuloy ang nasabing kaso.
Ayon
sa report, nadismiss ang kaso nitong kidnapping for ransom at robbery-in-ban
nitong nakaraang linggo sa Regional Trial Court (RTC)sa Midsayap, North
Cotabato.
Ang
nasabing kaso ay isinampa kontra kay lastikman ng Pikit PNP noong 2007.
Ang
pagkakadismiss ng kaso ni Lastikman ay kinumpirma rin ni Kidapawan City Mayor
Rodolfo Gantuangco matapos na binantaan umano ng grupo ni “Lastikman” ang huwes
na may hawak ng kaso nito.
Sa
kabila ng pagkakadismiss ng kaso ni Lastikman, positibo naman si Sr. Insp.
Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, na mabuksan muli ang kaso nito sa lalong
madaling panahon at mapanagot sa mga kasong kinakaharap nito.
Kung
matatandaan, nitong Pebrero 19, 30 mga armadong kalalakihan ang umatake sa City
Jail ng kidapawan upang tangkang patakasin si Lastikman.
Pinasabugan
ngmga ito ang dalawang rocket-propelled grenades ang city jail at pinaulanan ng
M14 armalite rifles na naging dahilan ng palitan ng putok sa panig ng mga
armadong grupo at mga jail guards sa lugar.
Bagama’t
bigong mapatakas ng mga ito ang target, pinasabugan nila ang lugar gamit ang
Improvised Explosive Device na gawa sa 81-mm na naging dahilan ng pagkamatay ng
Red Cross volunteers at dalawang bystanders sa lugar at magkakasugat ng
maraming iba pa. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento